Chapter 13: The Comeback

630 18 5
                                    

Chapter 13: The Comeback

 

 

Isly’s PoV

 

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa muka ko. Babangon sana ako ng makaramdam ako ng matinding sakit sa kaliwang balikat ko.

“Arrrgg.. Ano bang nangyari?” mahinang bulong ko sa sarili ko. Unti unti ‘kong inalala ang mga nangyari kagabi.

Nang maalala ko na ang lahat natauhan ako... si Sophia. Tama asan si Sophia.

Kahit sobrang sakit ng sugat ko at nahihirapan pa akong bumangon pinilit ko padin makatayo. Sana naman walang nangyaring masama sa kanya. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kung sakaling napahamak siya.

This is not what I really want to happen.  Leche kasing gps yan eh pahamak!

Inikot ko yung paningin ko para hanapin si Sophia, nakahinga naman ako ng maluwag nang makita ko siyang natutulog sa sulok.

Lumapit ako sa kanya para ayusin yung pwesto niya dahil mukang nahihirapan siya. Napansin ko din yung mga blood stain sa puti niyang uniform. Malamang napuyat siya sa paggamot at pag-aalaga sakin.

Napangiti ako sa idea na inalagaan niya ako magdamag, it’s sounds really gay but kinikilig ako. Another thing is hindi ko pa din maialis na mainis sa sarili ko dahil nalagay siya sa panganib dahil sakin.

Hinawi ko yung mga hibla ng buhok niya na nakaharang sa muka niya, napakaganda talaga niya, ibang-iba siya sa lahat ng nagging babae ko.

I admit na nung una ko pa lang nakita si Sophia ay nagkaroon na agad ako ng interes sa kanya. Sa tuwing makikita ko siya biglang bumibilis yung tibok ng puso ko at pag malapit siya sa akin parang sasabog ‘yung puso ko sa kaba. Hindi ko alam kung bakit tinamaan ako ng ganito sa kanya.

Ilang minuto din akong nakatitig sa kanya, para siyang anghel na bumaba sa lupa para sakin. Aish! para talaga akong tanga.

Ang kinis ng muka niya, mahabang pilikmata, perfect shape of eye brow, maliit pero matangos na ilong, rosy cheeks, at manipis na mapulang labi, kumbaga ang perfect niya. Nakakaakit yung mga labi niya.

Hindi ko namalayan na sobrang malapit na pala yung muka ko sa muka niya na konting galaw nalang ay magtatama na yung mga labi namin.

Nanigas ang buong katawan ko ng biglang dumilat si Sophia, at hindi sinasadyang nagtama ang mga labi namin. Sa sobrang gulat naming dalawa ay parehas na nanlaki ang mga mata namin.

Bigla akong tinulak ni Sophia palayo dahilan para tumama yung likod ko sa kawayang pader.

“Arrgg!” Napasinghap ako sa sobrang sakit dahil tumama yung balikat ko at napalakas yung tulak ni Sophia. Bakit ba ang lakas ng babaeng ‘to.

“Isly! Nako sorry, sorry talaga...” agad siyang lumapit sakin at tinulungan akong umupo. “Ikaw kasi eh...” sabay nagiwas siya ng tingin at bahagyang namula ang kanyang muka.

E M P R E S S ♔ UnveilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon