Chapter Four: Time Passes So Fast

1.1K 28 1
                                    

"Time can change your life but not your faith."

~=~

After 8 years...

Third person's PoV...

"Sophia ano ba bumangon kana, malelate kananaman niyan eh." niyugyog niya lang ito pero hindi parin siya pinapansin sa halip ay tinalikuran lang siya nito at nagtalukbong ng unan.

"Aihs! Ano ba gumising kana nga! Pagnalate ka sakin ka nanaman magagalit!"

"Fine! Fine! Eto na babangon na po." bumangon ito ngumiti ng sarkastiko. "Now, happy?"

 "Not yet, mag-ayos kana dahil anong petsa na." tumayo na ito at lumabas na ng kwarto niya.

Naiwan naman sa loob ng kwarto si Sophia. Tumayo na 'din at ito tumungo na sa banyo para mag ayos.

Kakatapos niya lang maligo at nakatayo siya sa harap ng life size mirror na walang suot na kahit ano. Tinititigan niya lang ang katawan niya. Tumalikod siya at tinignan naman ang tatto niya.

Isa itong korona na may nakaekis na katana sa baba. Nakatatto ito sa kaliwang likod na bahagi ng kaniyang balikat. Ito ang sumisimbolo ng katauhan niya bilang si Athena the goddess of war.

Sophia's PoV

8 years has past. 8 years na naging maayos ang buhay namin, pero magkakahiwalay kami.

Namimiss ko na ang mga kapatid ko. Kelan ko nga ba silang huling nakita? Tama last week sa Underworld.

Sa 8 years na lumipas madaming nag bago.

Ang unang taon namin ay puno ng pag papractice at pag-aaral ng mga skills namin. Matapos nito pinaghiwahiwalay na kami. At simula nung araw na yung wala na kaming kaugnayan sa isat-isa.

Lumaki ako pinilit ko maging pinakamalakas sa lahat, ayuko na may nakakahigit sakin at lahat ng tumatapat sakin ay natatalo ko. Isa lang ang gusto ko- ang maging pinaka makapangyarihan sa Underworld. At hindi ako nabigo ako na ang pinaka kinatatakutang gangster ng Underworld.

Pero sa kabila nito nananatiling lihim parin ang tunay kong pagkatao, at masiyado akong matalino para maisahan nila.

Ako si Sophia Montenegro, 22 years old. A 4th year student taking Med. Course at Queens University. Matalino, syempre maganada, masiyahin, pasaway at mabait. Yan ang pagkakakilala ng lahat sakin. At mananatili na yan lang ang alam ng lahat.

"Oh my god Sophia! I will kalbo your hair talaga." bigla namang sumulpot itong kaibigan ko na si Ellaine.

Nasa school cafeteria ako dahil break ko ngayon. Ewan ko lang dito sa conyong ito.

"And I will make putol your dila if you not tigil talking to your freeking language."

"Wahhhh! Your so rude talaga." maktol niya sabay hampas sakin. Aba ayos nananakit.

E M P R E S S ♔ UnveilOnde histórias criam vida. Descubra agora