Chapter One: Run for Your Lives

1.8K 35 2
                                    

Chapter One: Run For your Lives

 

"Danger is always behind you."

 ~=~

Bang!... Bang!...

"Hera faster!"

"I'm too tired ane (older sister). Can we take a rest."

"No we're running out of time. Just run as fast as you can, maabutan na nila tayo."

Parehas na kaming hinihingal ni Hera, kanina pa kami takbo ng takbo dito sa gubat. Puro putok lang ng baril ang naririnig ko, alam 'kong hinahabol nila kami at sa oras na maabutan nila kami siguradong katapusan na ng buhay naming magkapatid.

Tumakas kaming apat na magkakapatid sa mansyon namin na ngayon ay paniguradong wala nang buhay. Inatake ng Ikinugawa Clan ang mansyon namin at pinatay ang mga magulang ko at lahat ng tao doon. Sila ang isa sa mga kaaway na angkan ng pamilya namin. Madaming naghahangad at nagtatangkang pabagsakin ang clan ng pamilya namin dahil ito ang pinaka malakas at makapangyaring clan sa mundo.

Sa ngayon nagtagumpay sila, pero hindi pa tapos dahil gaganti pa ako kaya kailangan namin na makatakas ni Hera.

Bang!... Bang!...

Alam kong malapit na sila sa amin at hindi na rin uubra ang pagtakbo lang namin dahil parehas na kaming hinihingal. Siguro kailangan ko nang lumaban.

Ibinigay ko kay Hera ang hawak kong baril at nag-tago kami sa likod ng isang puno.

"Take this. You know how to use it.. Right?" Tumango lang siya sa akin. Bilib ako sa kapatid ko dahil believe me or not five years old lang siya. Wala kang mababakas na takot sa muka niya ni hindi din siya umiiyak tulad ng karaniwang bata. Alam kong kaya niyang bumaril dahil nasa dugo na namin ang lumaban at nag-uumpisa na siyang pag-aralan ang mga ito.

Hinugot ko naman mula sa likod ko ang dala 'kong katana. Nararamdaman ko na malapit na sila samin. Alam kong madami sila at armado kaya dapat makaisip ako ng paraan para makalamang kami.

Inikot ko ang paningin ko sa paligid, then I saw a big tree. Bingo!

"Hera come with me." Pumunta kami ‘dun sa ilalim ng malaking puno. Madali lang naman siyang akyatin kaya ito ang naiisip ko.

"Kaya mo bang umakyat jan?" tumango lang siya sakin at nag-umpisa nang umakayat. Inalalayan ko siya sa pag-akyat para mapabilis kami. Nang maka-akyat na siya at nakapwesto na sa medyo tagong parte ng sanga, umakyat na din ako.

Naghihintay lang kaming dalawa sa pagdating ng mga kalaban. Sinulyapan ko saglit si Hera at wala paring mababakas na emosyon sa muka nito.

“Doko jigoku wa, karera wa nanidesu ka?”(Where the hell are they.) narinig 'kong sabi 'nung isa sa mga humahabol samin.

E M P R E S S ♔ UnveilWhere stories live. Discover now