Chapter Three: New Identity

1.1K 24 0
                                    

"There will be a new place to start a new life but even a new place can be a battlefield for the old war."

~=~

Athena's PoV

Pagkagising ko dumeretso agad ako sa kwarto kung saan nagpapahinga si hyung. Sabi sa akin ni butler ayos na siya at kaunting pahinga nalang ang kailangan niya.

Mabuti nalang at ligtas na siya kung hindi- 'di ko na kakayanin. Sobra sobra na ang lahat ng nangyayari samin para kunin pa sa amin si hyung.

Pumasok na ako sa kwarto niya at nadatnan ko siyang nakaupo sa kama at nakabihis na ng pang-alis. Napakunot tuloy ang noo 'ko. Dapat ay nagpapahinga pa siya.

"Dapat nagpapahinga kapa hyung." umupo ako sa tabi niya. Lumingon naman siya sa akin at ngumiti lang.

"Anong ngiti yan huh?"

"Wala. I just wondering kung bakit binuhay pa ako.?"

"You want to know why?" tumingin ako sa labas ng bintana. Ganun din naman siya.

"He save you because he want's you to take care of us." tumingin siya sa akin at niyakap ako. Sa lahat ng pinagdaanan namin sa isat-isa nalang kami kumukuha ng lakas.

"I'm sorry kung muntikan ko na kayong iwan. Promise hinding hindi ko kayo iiwan." tumulo ang mga luha mula sa mata ko. Naramdaman ko din na basa na ang balikat ko at dahil yun sa pag-iyak din ni hyung.

Ilang sandali din kaming nasa ganitong pwesto nang bumitaw siya sa akin at pinahid ang mga luha niya.

"Ikaw talaga andrama mo. Tumayo kana at mag-ayos na, mamaya na ang flight natin." ginulo niya ang buhok ko at hinalikan ako sa noo.

"Ikaw kaya ang madrama. Hmmp.. jan ka na nga." nakapout akong tumayo at tumungo na sa kwarto ko para ayusin yung mga gamit ko.

~=~

Philippines...

Kakarating lang namin dito sa bahay na titirhan namin ngayon dito sa Pilipinas. Ito ang napili naming bagong tirahan dahil ito lang ang bansang walang kaugnayan sa mga Rhee- ang angkan namin.

Ang papa ko at lolo ay Korean samantalang ang mama ko naman ay half Filipino and Roman. Sa Japan kami tumiri ng dalawang taon pero sa Korea kami pinanganak at lumaki.

Ang angkan namin ang may hawak ng pinakamalaking clan sa mundo. Makapangyarihan at maimpluwensya ang mga Rhee, pero hindi namin magagamit yan ngayon. Dahil jan nalagay kami sa panganib at ang tanging solusyon ay ang talikuran ito. Pero dadating ang araw na babawiin namin lahat ng para sa amin, hindi man ngayon pero alam ko dadating ang tamang araw nayun.

Bumaba na ako at pumunta na sa meeting room. Malaki naman itong bahay kaso nga lang walang mga katulong tanging si butler lang ang kasama namin. Tanging siya lang din ang pinagkakatiwalaan namin.

Pumasok na ako sa loob at nadatnan ko sila na nakaupo na, maging si Hera ay nandito din. naupo nako ako sa pwesto ko since ako nalang ang hinihintay.

"Now kompleto na kayong apat young master and mistress-" di na natuloy ni butler ang sasabihin niya dahil biglang nagsalita si hyung.

"Butler stop calling us master and mistress, you can call us with our names."

"Sorry young- I mean Hades. Now let's us talk about this important thing." tahimik lang kaming nakikinig kay butler.

Tumayo siya at may kinuhang isang envelope. Binuksan niya ito at inilabas ang mga laman nitong papel na sa tingin ko ay file. Isa isa niya itong nilapag sa harap namin. Tinignan ko ito and it's our new identity.

"Sa nakikita niyo yan na ang magiging bago niyong identity. Hindi na kayo safe kung patuloy niyong gagamitin ang mga pangalan niyo. At di magtatagal kailangan niyong maghiwa-hiway." nagulat ako sa huling sinabi ni butler, maging ang mga kapatid ko din ay nagulat.

"Why we have to live each other?" tanong ni Ares.

"It's the only way para hindi kayo matunton ng mga kaaway." I know what butler means to say and he's right it's hard but it is the best to do.

Tahimik lang kami at naghihintay sa susunod na sasabihin ni butler.

"Starting today the Rhee sibling is dead the four of you have life."

"Hades Rhee will be Rafael Grey. 16 years old, senior hight at Cinder High."

"Athena Rhee will be Sophia Montenegro. 14 years old, sophomore at Queen High."

"Ares Rhee will be Calyx Park. 9 years old grade 4 at Cinder GS."

"And Hera will be Skyla Lee. 5 years old."

"Alam niyo na ang gagawin act like a normal kid, do not expose your skills and let your identity be a mystery for them."

Simula ng araw na yun nagumpisa ang bago naming buhay. Normal lang ang lahat para sa amin, bagong buhay, bagong katauhan, bagong kaibigan at bagong pagsubok.

Kahit namumuhay kami ng normal hindi namin inihinto ang pag-sasanay. Lagi kaming patagong nagkikita kita at nag-sasanay.

Lumipas ang mga araw, linggo, buwan, at taon. madami nang nagbago samin. Lumaki kami sa pagpapanggap at masaya kami dito. Na akala ng iba normal kami pero hindi naman talaga.

E M P R E S S ♔ UnveilDonde viven las historias. Descúbrelo ahora