Chapter 24

484 17 3
                                    

Chapter 24

Sa isang malaking bulwagan, isa-isa nang dumadating ang mga panauhing naimbitahan. Lahat ay walang ideya kung para saan ba talaga ang pagtitipon na kahapon lang naman naihatid ang inbitasyon.

Marami mang walang ideya kung para saan ito ay tumuloy pa din sila sa pagdalo, isang bagay lang ang pinanghahawakan nila, ang pagtitipon ay may kaugnayan sa nagaganap na blood hunt.

Dahil nga lahat ng involve sa underworld ay alam ang tungkol sa nasabing bagay, lahat ay nag-uunahan sa pangangalap ng impormasyon.

Ibat-ibang uri ng tao ang makikita sa loob ng hall. Mga mafia clans, gangsters, business tycoons, politicians at mga kilalang tao sa mundo. Ang mundo ay pinapaikot ng pera at kapangyarihan, hindi sapat na mayaman ka lang, kailangan marami kang galamay sa ibabaw kung saan tila normal ang takbo ng mundo at sa ilalin kung saan umiikot lahat ng illegal at makasalanan.

Walang taong malinis, lahat ay makasalanan. Lahat ng tao ay ganid, kanya-kanyang paraan lang yan kung paano mo palalaguin ang kasamaan mo.

Kung titignan ay tila isang normal na party lang ang nagaganap pero ang katotohanan ay bawat isa sa kanila ay handang pumatay at lumaban, pareparehong armado at alisto.

May mga namamataan na din mga councils, ang iba ay nakikihalo sa mga ordinaryong gangster at ang iba nama'y tahimik na nagmamasid lang sa gilid. Maging ang Underworld lord na si Hades ay narito na rin at nakaupo sa isang lamesa, tahimik at malalim ang iniisip.

Palaisipan pa din sa kanya kung sino ang nagpadala ng invitation at kung ano ang pakay nito sa buong Underworld. Alam niyang parte pa rin ito ng nagaganap na blood hunt pero malakas ang kutob niyang hindi pangkaraniwang gangster o kasapi lang ng Underworld ang may pakana nito.

Hindi ang councils ang tipo ng mga tao na gagawa ng ganitong pakulo, sarilinan at patago kumilos ang mga ito at kung mga mafia's naman ay hindi rin, hindi nito isusugal ang clan nila para magpapansin dahil pagginawa nila ito ay paniguradong sila ang magiging una sa listahan ng mga dapan itumba alang-alang sa blood hunt.

Blood hunt, it's a matter of power and money and it's between life and death. Kumbaga sa hunger games, matira matibay, kill or be killed. There's no rules involve, ang kailangan mo lang ay manatiling malakas at maimpluwensya.

Simula ng mamatay si Athena, ito na ang naging bagong goal ng bawat isa sa underworld. Kung noong una ay gusto nilang mapabagsak ang empress para sa kapangyarihan, ngayon naman kailangan nila ang blood letter para parin sa kapangyarihan.

Ganyan ang mundo, it's a dirty big world.

"Seryoso ka ata Supremo." Nabalik lang siya sa ulirat ng biglang sumulpot sa tabi niya si Ares. Kagaya niya ay nakaformal attire din ito at suot ang maskarang sumisimbolo na siya si Lord Ares ang diyos ng kaguluhan. "Himala at nagpakita ka ngayon." Sarkastikong wika ng supremo. Simula ng mamatay ang kapatid nila ay hindi na nila ito nakita pang muli. Wala silang narinig tungkol dito sa loob ng anim na buwan.

Tumawa lang si Ares ng bahagya. Paminsan-minsan ay hinahanap din pala siya ng kapatid, akala niya ay puro Underworld at negosyo lang ang iniisip nito. "Bakit namiss mo ba ako? Well nagluksa lang naman ako mag-isa kaya nawala ako." Nakangisi nitong sabi.

Sa totoo lang ay hanggang ngayon ay nalulungkot pa rin si Hades sa pagkawala ni Athena, pero kailangan na niyang kalimutan ito dahil mas mabigat na responsibilidad na ang nakaatang sa kanya. "Bakit naman kita mamimiss? Natutuwa lang ako na naging matahimik ang Underworld nung wala ka. Nabawasan ang mga epal sa paligid." Seryosong wika ni Hdes pero may bahid ng pang-aasar.

Natawa lang naman si Ares, totoo ang sinabi ni Hades, simula ng mamatay si Athena ay hindi siya tumapak sa Underworld. Umalis siya at siniguradong walang makakatrack sa kanya dahil madami siyang bagay na tinapos at ginawa. "Maiba ako, asan nga pala si bubwit?" Tanong niya ng mapansing wala silang ibang kasama sa lamesa.

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Apr 15, 2015 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

E M P R E S S ♔ UnveilNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ