Chapter 7: Weak Heart

835 27 0
                                    

"I dont't fear of dying, but my fear is if I die, who will love you as much as I do."

Sophia's PoV

Hoooohhhh!! FRESH!

Sigaw ko pag-kalabas ko ng banyo. Sarap talaga magbabad habang nagcoconcert. hahahahahah

Ang bilis talaga lumipas ng araw, parang kahapon lang ang ganda ko tapos ngayon sobrang ganda ko na. hahahah push ko to.

Pagbigyan niyo na ako guys special day ko ngayon eh.

But...

It's not my birthday- it's his birthday. Basta later malalaman niyo din.

Pumunta nako sa walk-in closet ko. Ano kayang susuutin ko? Gusto ko bongga in a simple way. What I mean beautiful yet simple.

Pero kasi kahit ano naman suotin ko maganda ako eh. Oh siya nagsabi niyan no.

Nahagip ng mata ko yung pink na floral dress ko. Kinuha ko ito at tinignan.

I think ok na to. Magugustahan niya kaya ito?

Well suot ko na yung dress, nagpowder lang ako at konti ding lipgloss, di naman ako mahilig magmake-up eh. Sabi niya kasi sakin dati, ang totoong ganda ay natural parang ang totoong pag-ibig natural hindi pilit hindi sinadya.

Konting projection sa salamin, feeling model then bumaba nako.

Naabutan ko naman sa sala si Irina na busy nanaman sa panonood ng korean drama. Ang hilig niya sa ganyan, kaya minsan naaadopt niya na eh. 

What I mean is ang weird niya na madalas, merong bigla naman titili tapos iiyak. Minsan din nagagalit sakin tapos kung ano-ano sinasabi. One time nga muntikan nako tumawag sa mental eh.

Di naman niya ako napansin na bumaba dahil tutok na tutok siya dun sa pinanonood niya. Dumeretso nalang ako sa kusina at kumuha ng isang garapon lollipop.

Bumalik ako sa living room at naupo sa tabi ni Irina at nilapag yung lollipop dun sa center table. Kumuha ako ng ribon dun sa may drawer sa gilit at tinalian yung garapon. Aw ang cute.

"Oh bihis na bihis ka ata? San lakad?" tanong niya habang nakatutok padin sa pinanood niya.

"Ahhmm... Sa lugar na di ka nag-eexist at yang mga korean drama mo."

"Ahhhh... Sige go. Alis kana kahit wag kana bumalik." aba ayos to ah. Kutusan ko kaya to, paalisin daw ba ako sa sarili kong bahay?

"Ay I change my mind ikaw nalang pala ang umalis." napalingon naman siya sa sinabi ko. Hahahah alam na niya siguro yung ibig-sabihin ko.

"'To naman di mabiro. Syempre joke lang yun." tch. hahaha epic nung muka talaga neto kahit kelan.

E M P R E S S ♔ UnveilWhere stories live. Discover now