Chapter 11: Ligaw na NaLigaw

902 21 0
                                    

Isly's PoV

"Ano na bro baka matunaw na yan si Sophia sa sobrang pagkakatitig mo..." Drei.

"Hahahaha baka kamo mamaya wala nang damit..." Luke

"Aray naman! Bakit nambabato ka?" Luke.

"Puro kasi kayo kagaguhan!"

Masama bang tignan ang pinakamagandang babae sa buhay ko? Hahahaha inlababo na talaga ako kay Sophia my loves ko.

Andito kami ngayon sa cafeteria at kakain sana pero nakita ko yung pinakamamahal ko kaya nabusog nako... nabusog sa kantyaw at kalokohan ng mga gago kong kaibigan.

Pero kahit pa ganun wala akong pake. Pumapag-ibig ako ngayon eh.

"You know what bro lapitan mo na lang kesa muka kang tukmol na nakatitig jan..." Luke.

Lapitan?

Eh kasi... NAHIHIYA AKO -_-

Tang na hindi ako ito. Nahihiya sa isang babae. 

"Don't tell me natotorpe ka?" Drei.

"Hahahahahahahahahahahah..."

"Wow! Ang isang Isly Meyer na babaero,matinik sa chicks, makalaglag underwear ay natotorpe sa isang Sophia Montenegro na half crazy half lollipop..." Luke.

"A...ano.. ba pinagsasabi mo jan? Di ako na...natotorpe noh!"

"Yun naman pala eh... Ano pa hinihintay mo jan... Pormahan mo na!" Luke.

Ano ba tong mga unggoy na ito lalakas ng tama.

Pero siguro nga tama. Popormahan ko na si Sophia baka mamaya may makauna pa eh.

"Kaso lang may nauna na..." Uno.

Napalingon kaming lahat sa sinabi ni Uno.

Anak ng! Sino naman tong asungot na umupo sa tabi ng myloves ko at walangya! Inakbayan pa!

"Aw... Naunahan na si papa Isly... hahahahahaha..." Luke.

"Tang ina mo!"

"Hahahahahaha... Chill ka lang bro." Drei.

"Chill? Mapapatay ko yang lalaking yan!"

Nakakabwisit sino ba yang tukmol na yan huh!

Makalapit siya kay Sophia parang super close sila ah.

"Wait parang pamilyar siya..." Clyd.

E M P R E S S ♔ UnveilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon