Chapter 10: Bloody Death

754 22 1
                                    

Sophia's PoV

"Move!" sigaw ko at lahat naman ng gangster ay nagsitabihan.

Nahawi agad ang bulto ng tao at isang daan sa gitna ang natira kung saan bubungad ang isa sa mga underlings ko na naliligo sa dugo dahil sa tama ng arrow.

Andito ako ngayon sa Capitol dahil sa isang importanteng gangfight at binulilyaso lang ang walang hiyang may-ari nitong arrow na ito.

Sa oras na malaman ko kung kanino ito sisiguraduhin ko na magbabayad siya. Ang laki ng pusta ko dito, tapos napurnada lang.

Hinugot ko yung arrow sa ulo nung underling ko. May nakatali ditong puting papel. Binuksan ko yung papel at binasa.

"Welcome your death." WHAT THE HELL IS THIS!?

Is someone trying to send me a deathtreat? Hahahaha really funny.

Sa tagal ko na nabuhay sa ganitong mundo ilang deathtreat na ang natanggap ko. Kung sino mang tarantado ang nagpadala nito, well I must say better luck next time hindi ang ganitong klaseng treat ang magpapatumba sa isang lord na kagaya ko

He or she or the hell who they are must better hide dahil sa oras na malaman ko kung sino sila, ipapakain ko sakanila itong deathtreat nila kasama yung arrow.

Inikot ko nalang yung tingin ko sa paligid ng capitol at baka sakaling makita ko kung sino ang may gawa ng kalokohang ito.

Napako ang tingin ko sa isang lalaking nakamaskara na nakatayo sa may entrance ng capitol. Nakangiti ito sakin. Pamilyar siya sakin dahil sa suot niyang maskara pero di ko maalala kung sino siya at kung saan ko siya nakita.

Posible kayang siya ang may kagagawanan ng katarantaduhang ito?

Nabigla ako ng bigla siyang kumaway sakin. Tumalikod ito at akmang aalis na, agad ko namang kinuha yung bow ko at pinatamaan ko siya. Timaan naman siya sa balikat.

Agad ko siyang hinabol at pagdating ko sa labas ng capitol wala na yung lalaki. Naiwan nalang ay mga bakas ng sariwang dugo sa malamang sa malamang ay galing sa sugat niya.

Pasalamat nalang siya at hindi poisond arrow ang nadala ko kundi sigurado patay siya. Pero hindi padin siya swerte dahil tinamaan ko siya, wala pang nakakailag sa mga tira ko.

Sinundan ko nalang yung mga patak ng dugo at dinala ako nito sa parking area. Dito na natapos yung trace ng mga dugo so it only means may dala siyang kotse. At kung may dala siyang kotse ibig sabihin non madali lang siyang nakakalabas pasok ng capitol at maging sa underworld din.

Aish! Sumasakit yung ulo ko kakaisip kung saan ko ba talaga nakita yung lalaking yun. Basta promise nakita ko na talaga siya eh.

 Kumuha nalang ako ng lollipop sa bulsa ko at kinain. Saka ko nalang aalamin kung sino siya tinatamad pa ako eh.

E M P R E S S ♔ Unveilحيث تعيش القصص. اكتشف الآن