Chapter 03

149 9 2
                                    


     

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

     

"Eh ikaw?"

Bahagyang napaawang ang bibig ko habang nakakunot-noo. "Huh?"

Umayos siya ng tayo bago ipinamulsa ang kamay na walang hawak na spray paint. "Ikaw? Kumusta ka ba? Bakit nagpupunta ka dito minsan kapag ganitong oras?"

Napaiwas ako ng tingin bago nagbuntonghininga. "Okay naman siguro ako. Lagi naman kasing nangyayari sa bahay yung mga nagiging dahilan ng pagpunta ko dito. Sanay naman na ako. Minsan, gusto ko lang talagang huminga kaya napagdedesisyunan kong magpunta dito."

Nag-angat ako ng tingin. Nakatitig pa rin siya sa akin hanggang ngayon. Napaiwas na lang ako ng tingin dahil pakiramdam ko, lulunurin ako sa lalim ng mga tingin niya.

"Ngayon lang may nangumusta sa akin."

Napaangat ulit ako ng tingin sa kan'ya. "Huh?"

Bahagya siyang ngumiti. "Gusto kong magkape."

Medyo nag-loading pa ako do'n pero sa huli, napatango at napangiti na lang ako. Parang noong unang beses na inaya niya akong magkape, tinanong niya pa ako kung gusto ko. Ngayon, 'yon na ang sinabi niya.

"Gusto ko rin."

Tumango siya bago tumalikod saka nagsimulang maglakad papunta sa Kapehan Sa Daanan. Binilisan ko ang paglakad hanggang sa makasabay na sa kan'ya. Magsasalita pa lang sana ako nang mapunta siya sa likuran ko at inilipat ako sa kabila. Siya na ngayon ang nasa gilid ng kalsada.

Napatikhim ako bago nag-iwas ng tingin. Nakalimutan ko na tuloy ang sasabihin ko.

Tahimik lang kaming naglakad nang magkatabi habang may pagitan sa aming dalawa. Nang makarating kami sa Kapehan Sa Daanan, siya na ang um-order ng kape namin habang ako, naghihintay lang sa table. Sabi ko naman sa kan'ya, ayos lang sa akin kahit na anong flavor, basta't coffee.

Habang naghihintay, pinanood ko ang isang lalaki na nakatayo sa harap ng malaking pader sa isang parte dito sa loob ng coffee shop. Hindi naman ito sobrang luwag. Kung titingnan, para itong isang lumang store na pininturahan ng itim, puti, pula at brown. Napaka-abstract ng ibang design sa pader pero tulad ng ibang coffee shop, mayroon din itong isang pader kung saan may mural painting na ang nakalagay ay quote about coffee.

Coffee is a language in itself. —Jackie Chan.

Isa sa mga nagustuhan ko sa coffee shop na ito, medyo graffiti ang style niya, pati yung quotes na sulat sa loob. Maging ang pangalan na Kapehan Sa Daanan ay nakasulat sa style kung paano magsulat ang mga nagba-vandalize. Napaka-unique lang na napagsama ang dalawang bagay na 'yon: coffee and art.

Though graffiti is also considered as vandalism and it is illegal anywhere, it is one of the best forms of expression. How can someone create such unique art just because of expressing your emotions, right?

Love At The Coffee ShopWhere stories live. Discover now