Chapter 61

61 1 0
                                    

   

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

   

"Malamig na yung kape mo."

Nabalik ako sa wisyo matapos kong marinig 'yon mula sa isang resident doctor na kasama ko. Ngumiti ako sa kan'ya bago siya nagpaalam na babalik na sa pagdu-duty sa labas. Napatitig ako sa coffee na nasa harap ko na nagmula sa vending machine ng hospital. Napailing akong kinuha 'yon saka ininom.

Ang kaunti na nga lang ng kape, hindi ko pa mainom nang tama sa oras—palagi na lang lumalamig muna bago ko pa mainom. Sa mga nagdaang taon na puro ganito ang nangyayari, nasanay na rin akong uminom ng kapeng malamig na. Hindi na masarap pero sayang naman kung itatapon. Hindi pa naman ako sanay nang nagtatapon ng kape simula pa noon.

"Kumusta naman ang surgery?"

Napalingon ako sa nagtanong. Ngumiti ako nang bahagya kay Fiel bago ini-stretch ang mga binti sa sahig.

"Nakakangalay, siyempre. Kahit na hindi naman ako ang lead surgeon, nakakapagod pa rin yung ilang oras kang nakatayo."

Tumawa siya. "Masasanay ka rin. Ilang buwan ka na rin naman. Kaya mo 'yan. Hindi mo mapapansin, ikaw na ang nagli-lead ng surgery sa operating room."

Ngumiti ako bago isinubsob ang mukha sa lamesa. "Ano pa nga ba?"

Makalipas ang thirty-six hour duty ko, nagbihis na ako dahil gusto ko nang umuwi. Inayos ko ang mga gamit sa locker saka lumabas suot ang komportable ko nang damit. Habang naglalakad sa loob ng hospital, ginawa kong bun ang buhok ko. Habang ginagawa ko 'yon, nasagi naman ng paningin ko ang lalaking nakasanayan ko nang panoorin sa malayo.

Nakakatawa lang dahil dito rin siya nag-apply ng residency niya. Alam niyang nandito ako. Siguro, ipagpapasalamat ko na lang sa Diyos na hindi niya ginawang dahilan yung breakup namin para magtrabaho dito sa hospital namin.

Kailangan namin ng mga dedicated doctors na katulad niya—ni Fierro. Kailangan namin ng mga katulad niyang pediatrician na may sincere na pagmamahal at pakialam sa mga bata.

Bago tuluyang lumabas ng hospital, dumeretso ako sa pediatric ward para makita ang mga batang naka-confine doon. Iba't ibang karamdaman ang mayroon ang bawat isa sa kanila at pinanood ko si Fierro na puntahan ang lahat para sa rounds niya—para kumustahin ang bawat pasyente niya at bigyan ng candy sa tuwing natatakot sa kan'ya.

Napatigil ako sa kinatatayuan ko nang matapos niyang dalawin ang isang pasyente niya, napalingon siya sa akin. Tumikhim ako at aalis na sana pero napalingon ulit sa kan'ya nang tinawag niya ako.

Tinawag . . . niya ako . . .

"Calista . . ."

Halos maiyak ako dahil halos isang dekada na simula nang marinig ko ang pangalan na tinatawag ng boses niya.

Napalunok ako bago tumingin sa kan'ya. Hindi ko man lang magawang magsalita dahil pakiramdam ko, kapag ginawa ko 'yon, mababasag ang boses ko. May nararamdaman na rin akong namumuo sa lalamunan ko at alam kong any time, iiyak na ako.

Love At The Coffee ShopWhere stories live. Discover now