Chapter 44

54 1 0
                                    

Nakauwi na kami sa bahay nila matapos naming mamasyal sa SM buong araw

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Nakauwi na kami sa bahay nila matapos naming mamasyal sa SM buong araw. Malaki rin ang nagastos ko gamit ang card ni Mommy pero pinaalam ko naman ’yon sa kan’ya. Wala naman daw problema dahil may magandang mapupuntahan ang pera niya.

“Alam mo bang ginagawa ko lang ’yan kapag bumibisita ako sa kanila nang Pasko?” sabi niya habang nangangalumbaba sa harap ko.

Nasa living room kami ng bahay nila, pareho kaming nakasalampak sa sahig. Binabalutan ko ng gift wrappers ang toys and other stuff na binili namin kanina para mas maramdaman nila yung pagiging present nito para sa kanila.

“Tsk! ’Wag ka na nga. Tulungan mo na lang ako.”

Tumawa siya bago kumuha ng isang toy car na naka-box at isang gift wrapper.

“Nagrereklamo ka naman sa pagbabalot ko.”

Ngumuso ako habang nilalagyan ng paper tape ang gift wrapper. “Pangit mo kasi mag-wrap, eh.”

Tumawa siya. “Turuan mo nga ako.”

Nag-angat ako ng tingin sa kan’ya. “Kanina pa kita tinuturuan!”

“Last na,” nakangiting sabi niya.

Tinapos ko na lang ang binabalutan ko bago ako lumapit sa kan’ya.

“’Wag kasi gan’yan pagkakalagay mo. P’wede mo siya sukatin by doing this.” Pinaikot-ikot ko ang box sa wrapper para makuha pahat ng sides. “Pagkatapos, fold mo na lang. ’Wag mo nang i-cut kasi konti lang naman yung excess. Higpitan mo para maganda tingnan. ’Wag mo nang lagyan ng designs tulad ng ginagawa ko.”

Nang lumingon ako sa kan’ya, nakita kong nakatingin lang siya sa akin. Salita ako nang salita pero yung kausap ko, mukhang hindi naman nakikinig. Napabuntonghininga na lang ako.

“’Di bale, kaya ko na ’yan. Mukhang ’di ka makapag-focus at gandang-ganda ka sa girlfriend mo.”

Humagalpak siya ng tawa habang bumabalik ako sa p’westo dala ang babalutan niya sana kanina. Pumunta na lang siya ng kusina para gumawa ng coffee naming dalawa.

Napalingon ako sa apat na binalutan niya kanina. Napailing na lang ako dahil lukot na yung wrapper, hindi pa man kami nakakapunta sa orphanage! Nakakaloka talaga ’tong si Fierro dahil ilang beses niya kaninang inulit yung binabalutan niya dahil hindi raw kasya!

Hay, nako.

Pagbalik niya, may dala siyang dalawang latte at  dalawang slice ng binili namin kaninang cake. Pagkababa niya ng mga ’yon sa gilid ng table, naupo siya sa harap ko.

“Anong oras pala tayong aalis bukas?” tanong ko.

“6 a.m. Habulin natin yung mass. Lagi akong nagsi-serve doon, eh.”

Tumango ako. “Okay, then. Aagahan ko na lang ang tulog mamaya.”

Tiningnan niya ang oras sa suot na relo. Ako naman ay tinatapos na ang mga natitira pang babalutan.

Love At The Coffee ShopWhere stories live. Discover now