Chapter 12

72 3 0
                                    


   

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

   

A week after that, hindi pa rin kami nagpapansinan ni Fierro. Isang linggo ulit ang nasayang para sa PerDev project namin pero hindi ko na masyadong iniisip 'yon ngayon. P'wede ko namang hulaan na lang kung hindi talaga kami magkakasundo ni Fierro.

Ang iniisip ko lang ngayon, sa tuwing pumapasok si Fierro, palagi na lang siyang may bagong sugat at pasa. Hindi lang ako ang nakakapansin n'on.

"Ano ba nangyayari do'n? Ginagawa na bang libangan ang pakikipagbasag-ulo?" rinig kong sabi ng isa naming kaklase.

Napanguso ako at itinuloy na lang ang pagdo-drawing habang naghihintay sa unang prof para sa araw na 'to.

"May alam ka ba?"

Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko sa pagbulong sa akin ni Frieda na kadarating lang. Inambaan ko siya ng siko dahil do'n.

"'Wag, gago, masakit ang maniko!"

Humagalpak ako ng tawa dahil do'n. "Doon ka nga, ang gulo mo!"

"Tsk! Nagtatanong lang, eh. May frat ba 'yon?" bulong niya ulit.

Umiling ako. "Wala, 'no."

Tumawa si Frieda. "Talaga? Eh bakit lagi siya may sugat at pasa?"

"Eh kasi—"

Napatigil ako sa pagsasalita nang ma-realize na lowkey humihingi lang ng chismis sa akin itong Frieda na 'to! Alam niya kasing may alam ako at hindi ko pa naman kinwento sa kanila nang buo yung nalaman ko.

"Dali na! Chika lang, eh!" Tumawa siya. "Nagkakausap na ba ulit kayo?"

Umiling ako. "Asa ka pa." I scoffed before I cleaned up my table. "Hindi na kami magkakausap n'on. I doubt if that will ever happen again."

Matapos kong isipin na matatapos ang senior high school year ko nang hindi kami nagkakausap ulit ni Fierro, nakaramdam ako ng sobrang lungkot sa akin. Parang ayaw ko mangyari 'yon pero feeling ko, wala naman nang ibang magagawa kung hindi hayaan na lang.

"Oh, eh bakit parang disappointed ka?" sarcastic na tanong niya. Inirapan ko lang siya. "May gusto ka lang do'n, eh!"

"Wala, 'no! Do'n ka nga, kairita 'to!"

Tumawa siya. "Kumustahin mo naman! May pinagsamahan pa rin naman kayo kahit papaano."

Napanguso ako. "Next time. 'Wag ngayon."

Hintayin ko muna hanggang sa gumaling yung mga sugat niya ngayon . . . para kapag kinumusta ko siya, hindi siya masyadong masakit tingnan.

The sight of a wounded and bruised Fierro Javier always makes it hard for me to breathe.

We're friends. We used to be . . . kaya normal lang siguro 'to—na nag-aalala ako. Tutal, may pinagsamahan naman nga kami kahit papaano.

Nagbuntonghininga ako bago ipinatong ang baba sa kamay na nasa lamesa.

Love At The Coffee ShopWhere stories live. Discover now