Chapter 50

51 1 0
                                    

Sabado pa lang ng madaling-araw, nakagayak na akong umalis

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sabado pa lang ng madaling-araw, nakagayak na akong umalis. Dala ko ang ibang art materials ko dahil may ilan akong kailangang gawin na kailangang ipasa sa Monday. Kung mag-aaral siya habang nandoon ako sa condo niya, sasabayan ko na lang din siya.

Mabilis lang ang naging byahe namin dahil medyo madilim pa nang umalis kami ng driver. 8:30 a.m. nang makarating ako sa building ng condo niya kaya naman dumeretso na ako sa elevator at pinindot ang 15th floor.

Nang makarating ako sa harap ng unit niya, nag-doorbell lang ako ng isang beses. Pipindot pa lang sana ulit ako nang magulat ako dahil pinagbuksan niya kaagad ako.

"Ohh?" hindi makapaniwalang sabi niya bago siya ngumiti nang malawak saka ako niyakap. "Calista!"

Tumawa ako bago yumakap pabalik. "I missed you."

Kumalas siya sa yakap bago ako pinatakan ng halik saka kami tuluyang pumasok sa loob. Matapos niyang isarado ang pinto, kinuha niya ang mga dala ko saka ako pinaupo sa couch.

"Bakit hindi ka nagsabi na pupunta ka?" tanong niya.

Nagkibit-balikat ako. "Surprise visit." I chuckled. "Bakit pala mukhang kanina ka pa gising? Dapat nagpapahinga ka na."

Sumimangot siya bago naupo sa tabi ko. "May make up class kami mamaya kaya hindi pa ako natutulog dahil magdamag akong nagre-review para sa long quiz." Yumakap siya sa akin. "Mas madali sana 'to kung hindi ka malayo sa akin."

Napasimangot ako bago yumakap sa kan'ya pabalik. Tinapik-tapik ko ang likod niya. "I'm sorry, wala akong magawa."

Nagbuntonghininga siya bago kumalas ng yakap. "Wala kang dapat gawin, okay? Inihanda ko naman na ang sarili ko sa ganitong sitwasyon. Sa ngayon, kailangan ko lang masanay." Pinindot niya ang ilong ko. "Halika, kumain ka muna."

Tumango ako at saka kami hawak-kamay na nagpunta ng kusina. Magluluto raw siya ng breakfast naming dalawa saka gagawa ng kape. Kung dati, pinanonood ko lang siya na gawin ang lahat para sa akin, ngayon hindi ko na kaya 'yon kasi kita ko yung pagod sa kan'ya kaya naman tumulong na ako sa kan'ya.

Habang kumakain, katabi niya ang reviewer niya at tahimik na binabasa. Napasimangot ako dahil hindi man lang niya binibigyan ang sarili niya ng oras para magpahinga.

"Hindi ba p'wedeng kumain ka muna?"

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Kumamot siya sa batok bago itinago ang reviewer. "Sorry, anxious lang ako. Mahirap kasing bumagsak kahit isang quiz lang, mahirap bawiin."

Tumango-tango ako. "Naiintindihan ko naman. Gusto ko lang na magpahinga ka from time to time, Fierro. Don't overwork yourself, hmm?"

Tumango siya bilang tugon. Kumain na lang kami habang nagkukwentuhan ng mga bagay tungkol sa university ng isa't isa.

Bago mag-1:00 p.m., nagpaalam na siya sa akin na papasok na para sa make up class nila.

"Babalik din ako kaagad pero baka three hours 'yon, eh. Kaya mo namang mag-isa dito?" tanong niya habang isinusuot ang sapatos.

Love At The Coffee ShopWhere stories live. Discover now