Chapter 38

58 1 0
                                    

   Sobrang excited ko na makita yung unang taong naniwala sa akin na may talento ako—na dapat bayaran ang bawat art na ginagawa ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

  
Sobrang excited ko na makita yung unang taong naniwala sa akin na may talento ako—na dapat bayaran ang bawat art na ginagawa ko.

Ito na yung araw na pinakahihintay ko—yung makita yung unang taong naniwalang kaya kong magligtas ng buhay gamit ang talento ko . . . kaso . . .

“H-Hindi n’yo na po ako natatandaan?” tanong ko habang nakatitig sa kan’ya.

Umawang ang bibig niya bago lumingon kay Solari saka tumawa ng mahina. Tumingin ulit siya sa akin.

“Kailan na nga tayo nagkita?” nakangiting tanong niya.

Napalunok ako. “S-Six years ago. Nagpa-drawing ka po sa akin. Ikaw yung unang commissioned client ko. Ikaw yung unang naniwala sa akin na kaya kong magligtas ng buhay gamit ang talento ko sa pagdo-drawing.” I gulped. “I-Ikaw yung nagbigay sa akin ng pangarap.”

Sa bawat segundo na lumilipas ngayong kaharap ko si Ate Destinee, pasikip nang pasikip ang dibdib ko dahil bakas sa mukha niya na hindi niya ako kilala—na para bang ngayon niya lang ako nakita.

Nagbuntonghininga siya. “Pasensiya ka na, may short-term memory kasi ako kaya mabilis akong makalimot lalo na kapag sobrang tagal na.” Kumamot siya sa ulo. “Hindi lang ikaw ang unang nagsabi sa akin na kilala nila ako—na kilala ko rin sila. Kaso, hindi talaga, eh. I’m sorry.”

Nag-init ang sulok ng mga mata ko kasabay ng paghigpit ng hawak ni Fierro sa kamay ko sa ilalim ng lamesa. Pinanood ko si Solari na humigop sa iced coffee niya bago tumawa saka nagsalita.

“Baka naman may amnesia ka? Naaksidente ka ba?” natatawang tanong niya.

Tumawa si Ate Destinee. “Hindi, ’no! Kahit pakita ko pa sa ’yo medical records ko, wala akong history ng accidents.” Lumingon siya sa akin. “May isa pa akong naisip, Calista. Baka naman kamukha ko lang? May nagsabi kasi sa akin na sa mundo, may anim na taong magkakamukha. Baka nakita mo yung isa sa mga kamukha ko.” She laughed.

Kamukha . . .

Iniwas ko ang tingin sa kan’ya at pilit kong inalala ang pangalan ng kasama niya sa picture na d-in-rawing ko noon pero wala akong matandaan. Mukhang Destinee lang talaga ang pangalan na hawak ko.

Ibinalik ko ang tingin sa kan’ya. “May kapatid ka po ba?”

Humigop siya sa kape. “Wala.”

I sighed.

Kung sinabi niyang wala siyang kapatid, ibig sabihin, hindi nga siya yung na-meet ko noon kasi may kakambal yung Destinee na nakilala ko, eh. Same pa ng spelling yung name.

Sobrang grabe naman ng coincidence na ’yon kung sakali.

“Anyway, papasok na kami. Malapit nang mag-5:30. Salamat sa perfume! Magugustuhan ’to ng mama ko.”

Love At The Coffee ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon