Chapter 42

57 1 0
                                    

     Hindi ako umalis kaagad sa bahay nila dahil sabi niya, kapag may bisita raw sa bahay, hindi umuuwi kaagad ang papa niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

 
  
Hindi ako umalis kaagad sa bahay nila dahil sabi niya, kapag may bisita raw sa bahay, hindi umuuwi kaagad ang papa niya. Natulog na lang kaming dalawa, tutal, para kaming pagod pareho sa mga pangyayari at kwentuhan kanina.

Natakot din ako na baka saktan ulit siya nito kapag umalis ako . . . kaya pinili ko na lang manatili sa tabi niya at huwag nang pumasok sa hapon. Pakiramdam ko rin kasi, hindi ako mapapakali kahit bigyan niya pa ako ng assurance na hindi na siya sasaktan ng papa niya mamaya.

Gusto kong manatili sa tabi niya talaga para masigurado kong walang mangyayaring masama sa kan’ya.

“P’wedeng magtanong?” sabi ko habang magkayakap kami sa kama niya, balot na balot ng kumot dahil tinodo niya yata ang aircon.

Hindi naman ako nilalamig. Siya lang naman. Kaso kinumutan niya rinnako kasi gusto niya raw ng ‘cuddle.’

Tumango siya bago hinigpitan ang yakap sa akin.

“Uhm, bakit nagalit ang papa mo noong humingi ka ng tulong sa mama mo? Hindi ba . . . siya ang nagbigay sa ’yo ng address ni mama mo?”

Bahagya siyang lumayo sa akin para titigan ang mukha ko. Hinalikan niya ang tungki ng ilong ko bago ngumiti. Ilang sandali pa, niyakap niya ulit ako.

“Akala niya kasi noon, pinalayas ako ng mama ko. Hindi siya naniniwala na kusa akong lumayas kasi sobrang marangya ang pamumuhay doon.” Tumawa siya nang mahina. “Hindi niya lang maintindihan na kahit kailan, hindi ko pipiliin ang lugar na hindi ko ramdam na parte ako.”

Nagbuntonghininga ako. “Still, do you feel that you belong here? Sinasaktan ka niya palagi. P’wede namang bumalik ka sa orphanage noong naranasan mo na ang pananakit niya, eh.”

Nagkibit-balikat siya. “Natatandaan ko kasi yung galit niya noon kay Mama. Nagalit siya kasi akala niya, pinabayaan ni Mama yung anak niya—anak nila.” Tumawa siya nang mahina. “Kahit malala galit ko sa tatay ko, may parte sa puso ko na naiintindihan siya. Ewan ko ba. Para kasing hindi niya na alam paano magmahal.”

Hindi ako nakapagsalita dahil doon.

Sa paraan kung paano binigkas ni Fierro ang mga huling linya, ramdam ko yung pagmamahal niya sa papa niya sa kabila ng lahat ng masasakit na salitang sinasabi niya tungkol dito sa akin.

“Ikaw?”

Lumayo siya bahagya, tulad kanina, para tingnan ako sa mukha. “Huh?”

“Buti marunong ka pang magmahal sa kabila ng masasakit na naranasan mo noon?”

Ngumiti siya. “Kasi pinalaki ako ng mga taong punong-puno sa pagmamahal.”

Napangiti ako dahil doon.

Oo nga pala . . . bago niya maranasan lahat ng masasakit, pinuno siya ng pagmamahal ng mga tao sa orphanage. Mabuti na lang talaga, doon siya napunta at hindi in-adopt ng ibang pamilya.

Love At The Coffee ShopWhere stories live. Discover now