Chapter 15

87 3 1
                                    


   

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

   

Maaga akong pumasok kinabukasan. Maaga rin kasi akong nagising kahit na late naman na akong natulog, tapos, pakiramdam ko, ang bilis-bilis kong kumilos kanina sa paggayak.

Para akong elementary student na excited para sa first day of class dahil bago ang mga gamit, eh.

Bago pumasok sa campus, bumili na muna ako ng iced coffee sa coffee shop. Habang naglalakad papunta sa school ay hinihigop ko ito. Maliit lang ang binili ko sa ngayon dahil pakiramdam ko, umaatake na naman ang pagiging acidic ko. Mabilis lang din tuloy naubos—bitin na bitin!

Since hindi naman Lunes at walang flag ceremony, dumeretso na ako ng classroom kahit na alam kong wala pang tao ro'n. Kaunti pa lang din ang nakita ko kaninang naglalakad-lakad sa loob ng campus dahil sobrang aga pa. Nang makarating sa classroom, naupo lang ako sa usual seat ko saka inilabas mula sa bag ang sketch pad kasama ng drawing pencil at kneadable eraser.

Nangalumbaba ako at nag-isip ng panibagong ido-drawing.

Sa sobrang dalas kong magpalipas ng oras gamit ang pagdo-drawing, pakiramdam ko, wala na akong maisip na i-drawing ngayon. Isinubsob ko ang mukha sa desk kasabay ng pagpasok ng mga kaklase kong bagong dating.

Gusto kong mag-drawing pero ano naman ang gagawin ko ngayon? Wala na akong maisip! Sa araw-araw, wala na akong ibang nakikita kung hindi itong eskwelahan at bahay namin!

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakasubsob sa desk pero rinig ko na ang mga boses ng mga kaklase kong bagong dating. Hindi pa sila marami pero alam ko na hindi na ako mag-isa, hindi tulad kanina.

Nang iniangat ko ang ulo, nanlaki ang mga mata ko nang makita si Fierro sa harap ko, nakatitig sa akin habang nakapatong ang baba sa sandalan ng inuupuan niya.

"Good morning," he said with a smile on his lips.

Napalunok ako kasabay ng pag-iwas ng tingin. Ramdam ko rin ang pag-init ng mukha ko nang dahil do'n, maging ang mabilis na pagtibok ng puso ko, pero sinubukan kong huwag na itong pansinin at ipahalata.

Tumikhim ako para magsalita nang mapatigil dahil dinikit niya ang likod ng palad niya ang pisngi ko.

"Wala ka namang lagnat pero bakit ka namumula?" takang tanong niya bago binawi ang kamay.

Tumikhim ulit ako ng ilang ulit habang binubuklat ang sketch pad ko. "N-Naiinitan lang ako!"

Tumawa siya. "Bakit ka galit?" Napakunot-noo ako sa sinabi niya. "Sumisigaw ka sa akin, hindi mo na nga binalik yung good morning ko, eh."

Ano ba nangyayari dito kay Fierro?! Hindi naman siya ganito bago kami mag-iwasan, ah?! Bakit ganito siya ngayon?!

"U-Uhh . . . g-good morning." Tumikhim ulit ako, patuloy pa rin na iniiwas ang tingin sa kan'ya. "B-Bakit ka ba nandito? Do'n ka nga sa upuan m-mo!"

Love At The Coffee ShopWhere stories live. Discover now