Chapter 13

80 3 0
                                    


   

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

   

Nakaharang sa mukha niya ang dalawang braso habang ang kalaban ay hindi siya tinitigilan sa pagsuntok kahit na nasa sahig na siya ngayon. Nakaupo na ito sa tiyan niya at paulit-ulit siyang sinasaktan habang ako, walang ibang magawa kung hindi ang umiyak at mag-panic sa mga nakikita.

Nang inawat na ng referee ang lalaki at pinalayo kay Fierro, tuluyan na siyang bumagsak sa sahig. Kinausap siya ng referee pero hindi siya sumasagot. Hindi ko rin alam kung ano ang pinag-uusapan nila pero nakita ko na lang na umiling si Fierro.

Nang tumayo ulit ang referee, kinuha na nito ang kamao ng kalaban ni Fierro saka itinaas ang kamay, simbolo ng pagkapanalo nito laban kay Fierro. Nagsigawan ang mga lalaki sa paligid ko na nanonood at ang karamihan doon ay galit na galit sa kan'ya dahil halata nga namang nagpatalo siya.

"'Tang ina, Fierro! Pambili ng gatas ng anak ko 'yon, pinatalo mo! Gago ka! Ako na lang bubugbog sa 'yo!"

"Ibalik mo pera namin! Mandaraya ka, binenta mo laban mo para sa sarili mo!"

"Hayop ka, Fierro! Hinding-hindi na ulit ako pupusta sa 'yo!!!"

Pinanood ko siyang dahan-dahan na bumangon saka lumapit sa referee. May binulongn siya dito bago tinanggal ang suot na proteksiyon sa ulo at gloves. Kinuha na rin niya ang gamit sa isang sulok saka isinuot ang t-shirt bago siya naglakad papalapit sa akin.

Nang huminto siya sa harap ko, mas nakita ko kung gaano kalinaw ang mga sugat at pasa niya, dahilan para mas lalong bumuhos ulit ang mga luha ko.

"Fierro . . ."

Nag-iwas siya ng tingin sa akin saka lumunok. Ilang sandali pa, hinawakan niya ang kamay ko saka kami naglakad palayo sa lugar na 'yon. Nasa kan'ya lang ang buong atensiyon ko habang hinihila niya ako.

"Bakit ka ba nagpunta dito?" tanong niya nang medyo nakalayo na kami sa pinangyarihan ng mga nangyari kanina.

Pinunasan ko ang mga luha gamit ang isa kong kamay bago sumagot. "H-Hindi ka pumasok kanina."

"Ano naman 'yon sa 'yo? Bawal na bang mag-absent?"

Napalunok ako at hindi na nakasagot pa. Nagdere-deretso na lang kami ng lakad hanggang sa makarating kami sa Kapehan Sa Daanan. Pumasok kami ro'n saka niya ako pinaupo malapit sa graffiti zone ng coffee shop. Tumayo siya saka um-order ng kape sa counter bago bumalik sa akin.

"Huwag ka nang babalik do'n," sabi niya habang ipinapasok ang sukli sa wallet.

Umiling ako. "Para hindi kita makita na ginugulpi doon?"

Bahagya siyang tumawa bago tumingin sa akin. "Kahit kailan, hindi ako nagulpi doon."

"Eh ano yung nakita ko kanina?"

Lumunok siya bago nag-iwas ng tingin. Hindi na nagsalita pa. Sa mga oras na 'yon, wala akong ibang ginawa kung hindi ang hanapin ang mga sugat at pasa na natamo niya mula sa pakikipag-away kanina. Napalunok ako nang ma-realize na ang dami . . . at hindi ako mapalagay na makita ang lahat ng 'yon.

Love At The Coffee ShopWhere stories live. Discover now