Chapter 62

58 1 0
                                    

   

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

   

Kinabukasan, habang naghahanda ako para sa duty ko, narinig kong may pumasok sa loob ng on-call room. Sumilip ako habang isinusuot ang lab gown at nanlaki ang mga mata nang makita si Fierro.

"B-Bakit? May kailangan ka?"

Bayolente siyang nagbuntonghininga bago ibinagsak ang tatlong blue bills sa lamesa. "Why did you leave that there?"

I looked away and organized myself. "The steak was too expensive. I felt too bad to let you pay for it—"

"Why? You don't think I can pay for that?!" malakas na sabi niya, dahilan para kumabog ang dibdib ko. "I asked you to eat with me there because I have the means to pay for the food—for OUR FOOD. Do you think you did something by leaving that money?" He scoffed. "Bastos na nga na umalis ka na lang nang basta-basta, mag-iiwan ka pa do'n ng pera!"

Nagbuntonghininga ako nang malalim bago tumingin sa kan'ya nang masama. "Kung may problema ka sa pera na 'yan, eh 'di akin na!"

Padabog kong kinuha ang pera sa lamesa at lalampasan na sana siya pero hinawakan niya ako sa palapulsuhan para pigilan. Inis akong humarap sa kan'ya.

"Ano ba?!"

"Ano? Gan'yan ka na ba talaga? Aalis ka na lang bigla nang walang paalam, Calista?" His jaw clenched. "Did the years that we're apart make you to be the rude person that you are now?" Napaawang ang bibig ko pero tumawa lang siya nang peke. "You used to listen to my explanation. You used to stay until you heard my side! Anong nangyari sa 'yo?"

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin bago marahas na inialis ang pagkakahawak niya sa akin. "Bumalik ka na sa department mo."

Napatigil ako sa paglalakad nang tumawa siya ulit. "Pinahirapan mo ako noong sinabi mong hindi mo na ako mahal at noong iniwan mo ako. Hanggang ngayon, pinapahirapan mo pa rin ako."

Nag-init ang sulok ng mga mata ko bago humarap sa kan'ya. "Sa tingin mo ba hindi ko pinagsisihan 'yon, ha?!"

Umawang ang bibig niya kaya bigla kong napagtanto na nagsalita na naman ako nang hindi nag-iisip. Hindi ko na dapat sinabi 'to ngayon. Nag-iwas ako ng tingin.

"Nagsisi ka? Nagsisi ka na hindi mo na ako mahal?" he asked. I didn't answer. "Kung nagsisi ka, eh 'di sana bumalik ka sa akin!"

Napaawang ang bibig ko dahil do'n at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa hindi inaasahang maririnig sa kan'ya. Nag-iwas ako ng tingin.

"A-Ano bang sinasabi mo?"

He sighed. "Kung talagang nagsisisi ka noon, bakit hindi ka bumalik sa akin?"

Nag-init ang sulok ng mga mata ko. "Paano ako babalik? Nasaktan na kita."

"Eh ano naman?! Ano naman kung nasaktan mo ako noon? Ikaw lang din naman ang kailangan ko para mawala yung sakit pero mas pinili mong dumistansya sa akin!"

Love At The Coffee ShopWhere stories live. Discover now