Chapter 20

80 5 0
                                    


   

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

   

Nang matapos ang klase para sa umaga, nagligpit na ako ng gamit sa table ko. Habang isinasarado ko ang zipper ng bag, napaangat ako ng tingin sa tumayo sa harap ng desk ko. Nakita ko si Fierro na nandoon, nakatingin sa akin at bahagyang nakangiti.

"Oh? Fierro?" sabi ko kasabay ng pagtayo.

"Tara na?" tanong niya.

Napalingon ako kay Frieda na nakatingin sa akin, nagtatanong kung ano bang sinasabi ni Fierro. Nawala sa loob ko. Hindi ko pala nasabihan si Frieda na hindi ako sasabay mag-lunch sa kan'ya ngayon sa cafeteria.

"Ahh, maalat kasi foods sa cafeteria, 'di ba? May UTI ako, bakla. May alam daw si Fierro na restaurant na p'wede sa akin yung pagkain."

Tumango siya saka ngumisi bago lumingon kay Fierro. "Okay, busugin mo ang kaibigan ko, Fierro!"

Nag-init ang pisngi ko nang dahil do'n habang isinusukbit ang bag. Nagsimula na kaming maglakad palabas ng Fierro ng classroom pero ramdam ko pa rin yung hiya dahil sa huling sinabi ni Frieda. Hayop na 'yon!

"Ahh, saan tayo kakain?" tanong ko.

Inilahad niya ang kamay sa daan. "Sasakay tayo ng jeep. Pero 'wag kang mag-alala, hindi naman tayo mali-late. Hindi naman masyadong malayo."

Tumango na lang ako at sumabay sa paglalakad niya palabas ng campus. Sakto din dahil may jeep na nagbaba ng pasahero sa harap kaya naman sumakay na kami doon. Habang kumukuha ako ng pamasahe sa wallet, hinawakan niya ang kamay kong 'yon para pigilan, saka siya nag-abot ng bayad sa katabi niya.

"Dalawa po."

Napalunok ako habang nakatitig sa kamay niyang nakahawak sa dalawang kamay kong may hawak na wallet. Hindi naman ito ang unang beses pero napagtanto ko . . . na-miss ko pala 'to. Tumikhim ako nang binitiwan na niya ang kamay ko saka sinarado ang wallet tapos ibinalik sa bulsa.

Pinaypayan ko ang sarili nang makaramdam ng sobrang init dahil sa byahe ngayong tanghaling tapat. "Sobrang init talaga kapag tanghali!" reklamo ko.

Tumawa siya pero nagulat ako nang makita na kinuha niya ang panyo sa bulsa niya saka ipinaypay 'yon sa akin. "Bukas, ipagdadala na lang kita."

Napakunot-noo ako. "Hindi na! Si Manang na lang maghahanda ng pagkain ko."

Ngumiti siya. "Hmm . . . sige."

Makalipas ang pitong minuto, pumara siya sa kanto. Niyaya na niya akong bumaba ng jeep kaya naman sumunod na ako sa kan'ya. Naglakad kami papasok ng kanto. Inikot ko ang paningin sa lugar pero wala naman akong makitang restaurant dito o kahit karinderya. Puro bahay lang. May mga tao rin na naglalakad pero sobrang konti lang. Tahimik pa nga, eh.

"Nasaan ba tayo?"

Hindi siya sumagot. Sa halip, may kinuha siya sa bag saka pumunta sa gate na parang rehas na may pinturang puti, saka isinuksok ang susi sa paglock. Ilang sandal pa, binuksan na niya ang gate.

Love At The Coffee ShopWhere stories live. Discover now