CHAPTER 2

6 4 0
                                    

"Sama talaga ng ugali mo! bakit hindi mo ako hinintay!" ungot ng katabi ko pero pinagtaasan ko lang ito ng kilay

"Hay naku! buti talaga maganda mood ko ngayon kasi feeling ko titibok na naman talaga puso ko lalo na nabubusog na naman ang mata ko sa nakikita ko ngayon! daming igop eos!" daldal na ani nito

Kung hindi ko talaga siya kilala baka tinarayan ko na lang ito dahil sa kalandiang taglay niya pero what can i say? ganyan lang naman talaga siya

"Hindi ka ba nakikinig sa akin?" ungot nito at kumapit pa sa braso ko

"Nakikinig ako val sabi mo maraming gwapo!" bored na sabi ko

Pumalakpak ito na parang natutuwa na nalaman na nakikinig nga ako, "Alam mo pala ei?! Tara punta tayo sa cafeteria, balita ko mas marami daw dun loves!"

"No! baka malate pa tayo niyan! Tara hanapin na natin yung room natin" naiinis na sambit ko kasi feeling ko kung ano ano na namang kalokohan ang naiisip niya

"Saglit lang tayo!" pagpupumilit nito

Tumingin ako dito at pinakitang naiinis na ako sa kagaguhan niya, "Makakalandi ka pa naman mamaya val! unahin mo muna natin 'to, promise mamaya sasamahan talaga kita wag lang ngayon!

Mukhang nag-isip pa ito bago tumango at hinila na ako sa mga buildings papunta na sa direksyon namin, sa may Engineering Department.

"Dito tayo Eos! Turo nito sa isang room na nadaanan namin" tumango lang ako bago pumasok kasi gusto ko na talagang umupo kanina pa ako nangangalay kakalakad, malay ba namin ang layo pala talaga ng building namin mula sa entrance ng school

"Haggard natin!" natatawang asar ni Val at inayos ayos pa ang buhok nito kaya yun din ang ginawa ko

Palinga linga lang ako kasi dumadami na din ang mga classmates namin na pumapasok sa room namin, na napapatingin din sa amin dahil dalawa pa lang kaming babae sa room

"Tukso layuan mo ako," bulong ni val para mapatingin ako dito

Hindi ko maiwasan matawa kasi kung ano ano talaga minsan pinagagawa nito na ikinagugulat ko pa din kasi ang weirdo niya talaga, "shut up val, nakakahiya ka!"

"Kahit hindi na ako kumain mamaya eos!" seryoso na ani nito para mapakunot ang noo ko, pinagsasabi nito?

"what do you mean by that?" seryosong tanong ko parang kanina lang kasi inaaya pa ako nito sa cafeteria

"Dito pa lang eos busog na ako!" kinikilig na sambit nito para matawa ako kasi naiintindihan ko na kung ano ang gusto niya sabihin at iparating

Tinitigan ko siya at mukhang busog na busog nga siya sa mga nakikita niya kasi ang lawak ng ngiti at may pakaway kaway pa sa mga classmates naming mga lalaki na napapatingin sa amin, siya na friendly

Maya maya pa nung dumami na ang tao sa room hindi rin nagtagal dumating na ang professor namin na hindi rin nagturo kundi ininform lang kami about our requirements for their subjects pati na din sa mga sumunod na mga professors na pumasok ganun rin ang ginawa at ganun inumpisahan ang first day namin

Nang magpaalam na yung huli naming profesor mukhang mas mauuna pa ata si Val sa pintuan kasi nakatayo na ito, "Val!"

Gulat na napalingon ito sa akin at natawa nang mapagtantong may kasama pa pala nga siya, "Ah tangina Eos! Sorry naexcite lang ako, nakalimutan kong may kasama pa pala ako!"

Tawang tawa ito para mapairap ako, "Siraulo ka talaga Val!"

"Tara na nga sa cafeteria!" aya nito at hinila ako papalabas ng room minsan napapahinto pa kami kasi may mga classmates din kami na nakikipagkilala kaya humihinto din kami sandali

The Sound of Ocean Waves (Innamorarsi Series #1)Where stories live. Discover now