CHAPTER 8

5 2 0
                                    

Pagkalabas na pagkalabas ko nang room nakita ko agad si Lavin sa pintuan, "Ohh? andito ka agad."

"Baka takasan mo ko, mahirap na." natatawang ani nito at sumunod na saking lumakad

"Saan tayo?" tanong ko, hindi ko din kasi alam kung nasan ang kotse niya

Nagulat ako nang akbayan niya ako at ginilid nang may dumaang nagtatakbuhang mga lalaki sa gilid ko pero ang pinagtataka ko lang kasi hanggang wala na yung mga lalaki, nakaakbay pa din siya sakin, "Kamay mo."

"Hayaan mo nalang Eos," sabi nito habang di nakatingin sakin

"Chumachansing ka lang ei!" naiinis na turo ko sa mukha nito, tumawa lang ito at binababa ang kamay kong nakaduro dito

"Hindi ba muna tayo kakain sa mall? bago kita ihatid sa inyo?" tanong nito

"Libre mo?" birong tanong ko sa kanya kahit may pera naman akong pambili for my own

"Basta ikaw, punta tayong mall later." hinawakan nito ang kamay ko habang hinihila ako papunta sa kotse nito, tinanggal ko ang pagkakahawak nito at sumakay sa likod ng kotse, kaya napatingin si Lavin sakin na nasa Driver seat.

"Anong ginagawa mo diyan?" takang tanong nito nang makita na nasa likuran ako umupo, "Dito ka sa passenger seat." ani nito pero umiling lang ako para mainis ito

"Sabi mo kanina you have a car at pwede kitang maging driver, so magmaneho kana. you will be my driver for today." masungit na sabi ko pero nagtaka ako nang bigla itong bumaba at binuksan ang pinto sa harapan ko

"Baba!" sabi nito pero tinarayan ko lang ito

"Ayoko." matigas na ani ko dito

"Bumababa kana, gusto mo ba buhatin pa kita?!" barumbadong tanong nito, bubuhatin daw ako as if naman kaya niyang gawin yun.

"Edi buhatin mo," sabi ko at pumikit na, nagulat ako ng biglang hawakan ni Lavin ang bewang ko at hinila ako para mabuhat

"Wtf?! Ibaba mo ko lavin, ano ba?!" sigaw ko para magtinginan sa amin ang ibang tao na nasa parking lot

"Shhh wag kang maingay!" sabi nito at binababa ako sa passenger seat

"Dito ka sa tabi ko, ginawa mo naman akong driver nito." natatawang ani nito pero hinampas ko ito sa braso para mapaaray ito

"Ikaw nagsabi nun kanina na pwede kitang maging driver total may kotse ka naman." naiinis na duro ko

"Nagbibiro lang ako Eos masyado kang seryoso, ako nalang seryosohin mo." natatawang ani nito habang nasa harapan ko pa din at nakakatitig sakin

"Ano pang ginagawa mo? Umalis kana sa harapan ko at nang makaalis na tayo." sabi ko habang nakatingin sa ibang direksyon kasi naiilang din ako sa titig niya, napatingin ako sa gawi nito nang hindi pa din ito umaalis.

"What?" inis na tanong ko nang hindi pa din ito umaalis

"Tangina," bulong nito pero rinig ko pa din

"Ano?" sabi ko

"Ang ganda mo," ani nito habang nakatitig sakin para mapatahimik ako at hindi alam ang sasabihin, umubo nalang ako ng peke bago magsalita kasi tila parang nauutal pa ako, "Tara na."

Tumango naman ito bago tumalikod at pumunta na sa Driver seat, "Seatbelt."

Ilang minuto lang ang byinahe namin bago kami makarating sa mall, pinark muna namin ni Lavin ang kotse sa parking lot bago kami bumababa. Maglalakad na sana ako papunta loob ng mall nang mag ring ang phone ko nang tingnan ko, si Val ito kaya sinagot ko agad.

[Hello love? Nasaan ka? Time na nang uwian nasa bahay niyo pa din ako, hinihintay kita.]  bungad nito

[Nasa mall ako.] maiksing ani ko kasi ayaw kong mag isip na naman ito nang kung ano ano, masyado pa naman siyang advance mag isip at nagjujump into conclusions agad

The Sound of Ocean Waves (Innamorarsi Series #1)Where stories live. Discover now