CHAPTER 3

7 4 0
                                    

"Bakit andito yun? sinunsundan ka?" birong tanong ni Val na ang tinutukoy ang lalaking nakabungguan ko sa parking lot kanina

"I don't know, napadaan lang ata tapos nakisali na din." putol ko sa usapan namin

Tinampal nito ang braso ko, "Pero grabe makahila yung babae, loves."

Nilibot ko naman ang tingin ko sa kabuoan ng cafeteria at nakita ko ang tinutukoy niya na masayang nag uusap sa iisang lamesa, "I think they are together, and as if naman i care? we don't know them naman so we should shut up na lang."

Tama naman ang sinabi ko, may pagkachismosa din ako pero the hell? hindi naman namin kilala yun tsaka as long as wala namang ginagawang  masama sa amin, aabalahin pa ba namin ang mga sarili namin?

Kumain lang kami ni Val sa lamesa pero nauna pa akong matapos dito kasi kung ano ano talaga inaatupag nito lalo na pag may nakikipagkilala, she was go to the flow type of girl, lagi niyang ineentertain ang tao at mga lalaking nakikipag usap sa kanya hindi kagaya sakin na auto yuko na lang pag may nagtatanong. Hindi naman sa pagiging maattitude o being not friendly pero ayoko talaga makipag interact sa mga taong hindi ko kilala, i'm just scare that they might hurt me sooner or later once na pagkatiwalaan ko sila. If they are not Val, ayoko na lang.

"okay ka lang? natahimik ka ata?" puna sa akin ni val habang kumakain pa ito

"Hindi ka pa ba nakamove on sa ginawa ni paulo? gusto mo ba bugbogin natin yun?" dagdag nito at tatayo na sana nang hawakan ko ito sa kamay at umiling

Ayoko ng gulo at ayoko rin mag aksaya ng oras sa mga taong hindi naman worth it bigyan ng pansin, in the end of the day naman wala naman silang maitutulong sayo instead papasakitin lang nila ulo mo

"Wag na, wala namang kwenta yun para pag aksayahan ng oras. tapusin mo na lang pagkain mo diyan." puna ko kasi napansin ko din na hindi pa nangangalahati ang pagkain nito

Hindi lang sumagot ito pero nagulat na lang ako nang bigla itong may hinilang lalaki na dumaan sa mesa namin, "Wtf?"

"Classmate natin 'to eos! Si Drake! Tama diba? Ikaw derek!" tanong ni Val dito pero tawa lang ang tinugon nito, minsan talaga hindi ko din matake ang kagaguhan ni Val kasi nakakahiya din minsan pag siya ang kasama mo

"Oh ano gagawin mo?" tanong ko, bigla kasi nanghihila

Kinuha nito ang mga pagkain nito na walang bawas at binigay kay drake na classmates daw namin, i'm not sure tho kasi hindi din kasi ako talaga nagbibigay ng interes para kilalanin pa sila, "Sayo na 'to drake! Pamasko ko! Hindi pa yan bawas tsaka pampaswerte sa araw mo kasi maganda ang nagbigay sayo."

Hindi naman tumanggi si Drake ngunit tinawanan lang nito si Val na ngayon ay dumadaldal na naman at nakikinig lang dito na parang aliw na aliw

"Tangina naman Drake! Grabe ka makatitig sakin baka crush mo na ako niyan ah!" malisosyang sabi ni Val dito

Hindi ko talaga alam kung saan kumukuha ng lakas ng loob si Valerie pero namamangha talaga ako, "Kapal na ng mukha mo Val!"

Dahil sa sinabi ko napatingin ang dalawa sa akin at napatitig naman si Drake sa gawi ko para taasan ko ito ng kilay, problema niya? Makatitig wagas, mukhang nahiya naman ito kasi nag iwas ito ng tingin pero ang kinakunot ng noo ko nang mamula ito

"Ganda sana ng kaibigan mo Val, kaso ang maldita." natatawang sabi nito habang sumulyap sakin saglit para manlaki ang mata ko

MALDITA? AKO? the hell, as if naman ganun ako sadyang ayoko lang talaga makipagclose kaya ganun

"Hindi yan maldita sadyang hindi ka lang talaga niya type kaya hindi ka masyado pinapansin," barumbadong ani ni Val para matawa si drake dito

"Oo nga! Bakit andito ka pa? Binigay ko na nga sayo yung pagkain may balak ka pa atang tumambay dito ei! Bawal tambay baby, hindi ako makakarami niyan sige ka! Dapat ako lang malandi sa pamilya!" walanghiyang ani nito para matawa na din ako

The Sound of Ocean Waves (Innamorarsi Series #1)Место, где живут истории. Откройте их для себя