CHAPTER 11

0 0 0
                                    

"Ang bait lang," pahaging ni Valerie sakin para mapalingon ako dito habang inaantay si Lavin dumating kasi inaantay pa ang order namin

"Well, mabait naman talaga siya kasi kung hindi asa ka pa na kasama natin siya right now," sabi ko habang nagsscroll sa phone ko kasi nasa insta ako

"Hindi ko pa pala nabibigay yung number mo sa kanya hindi kasi ako naniniwala na hindi pa niya nakuha, well palagi kayong magkasama kaya hindi na ako magtataka kung nasa kanya na ang number mo," ani ni Val habang naghihintay din ng order nito

"Hindi niya pa nakuha number ko val," tugon ko

"Oh bakit hindi pa?" takang tanong nito para mapakunot ang noo ko, sabihin na nating lagi nga kaming magkasama pero ayos lang naman ata hindi ko pa naibibigay ang numbeer ko diba?

"Hindi ko pa binibigay," maiksing sagot ko sakto naman na dumating si Lavin at tumabi sa akin at nilapag na ang mga pagkain

"Lavin akin na phone mo! Ibibigay ko na sayo number nitong si Eos hindi mo pa pala nakukuha! Anong klase ka? Ang hina mo naman!" barumbadong ani nito para matawa si Lavin pero binigay pa din nito ang phone at lumingon sa akin para mapaatras ako kasi sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa, kinakabahan nalang ako minsan pag ganun ng walang dahilan.

"Ayos lang ba na ibigay niya number mo sakin?" tanong nito para mapalingon ako, kahit man sabihin kong hindi ako madali magtiwala hindi ko din maintindihan kasi ang gaan na agad ng loob ko sa kanya. Tumango nalang ako at hindi na nagsalita kasi wala talaga akong masabi. Parang automatic na ata na walang namumutawi na mga salita minsan sa bibig ko pag siya ang kasama ko, nakakapanibago.

"Ayos ka lang ba?" tanong nito para matawa si Val na nasa harapan namin

"Eos, nahihiya ka bang magsalita at ilabas ang mga banat mo kasi andito ako?" mapang asar na tanong ni Valerie para mapakunot ang noo ko, anong pinagsasabi nito?

"Anong sinasabi mo Valerie?" tanong ko dito, minsan talaga curious na din ako kung saan siya kumuha ng kakapalan ng mukha at lakas ng loob para masabi niya ang gusto niyang sabihin na hindi nakakaramdam ng hiya

Tawa lang tinugon ni Valerie habang nakatitig sa amin ni Lavin na magkatabi, Walang imik nalang akong kumain pero napapatingin pa din talaga ako dito lalo na pag tumatawa ito at tumitingin sa ibang direksyon para ipagsawalang bahala nalang. Napatingin naman ako kay Lavin na nahuhuli kong nakatingin sa akin, "Bakit?" pero umiling lang ito

"Weirdo niyo!" sabi ko nalang kasi hindi ko din alam sasabihin ko at hindi din ako sanay na magsalita pag kumakain

NAKATITIG lang ako sa kanya habang kumakain, napapatingin pa ako sa kaibigan niya na tumatawa ng palihim everytime na nahuhuli ako nitong nakatingin kay Eos. Binigyan pa ako nito ng titig na parang nagpapahiwatig na "WAG KANG MAGPAHALATA MASYADO" para mapangiti din ako, sabi nila usually daw ang mga babae talaga ang madaling mabasa pero parang baliktad ata lalo na sa pinapakita ko ngayon.

Ang dali kong mabasa pag dating sa kanya, hindi naman masama na ganun ako nang dahil sa kanya.

"Lavin," tawag ni Eos para mapalingon ako dito, dumiretsong dumapo ang mga mata ko sa mga mata nito, nakatitig din ito sa akin. Kung sa ibang tao baka umiwas na ako ng tingin pero pagdating sa kanya mas gusto ko pang ganun nga.

Nag iwas ito nang tingin habang namumula para mapangiti ako ng palihim, "Ayos ka lang? huminto ka kasi sa pagkain."

"Wala, may iniisip lang ako," sagot ko

"Ano namang iniisip mo?" curious na tanong nito at tumigil pa sa pagkain para marinig nang maayos ang isasagot ko, ganun din si Valerie na nakangiti pa.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Jul 08, 2023 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

The Sound of Ocean Waves (Innamorarsi Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora