CHAPTER 5

8 4 0
                                    

Sunday ngayon, grabe parang kahapon lang friday tapos bukas pasukan na naman pala gusto ko nalang magpalamon sa lupa, nasstress talaga ako sa course na kinuha ko buti talaga kahit maraming reklamo si Valerie she always find ways to help me by the other things that i can't understand easily

What i can say? I'm not into engineering talaga but i have no choice because i didn't know what exactly what my want is

"I'm so tired," ani ko nung tumayo ako, randam na randam ko pa din ang sakit ng mga legs ko dahil sa paglalakad nung friday grabe hindi talaga nagpaawat si Valerie sinama niya talaga ako sa kung saan at ang mahirap pa nun may kotse naman na dala mas pinili pang maglakad para daw exciting na pati ako nadamay

Kung saan saan din kami kumain at pumunta kasi gusto daw niya masubukan, ako naman 'tong tango lang ng tango. Tsaka ko nalang naramdaman ang sakit ng katawan nung makahiga ako sa kama

Habang nag iisip ako, parang gusto ko nalang muna pumunta sa mall mag isa ayoko magsama ng kung sino at lalong lalo na kung si Valerie. Paika ika akong naglakad sa cr para maligo, tangina talaga pati tuhod ko masakit at kumikirot nirarayuma na ata ako! Pero ang bata ko pa, masyado atang malayo ang nilakad namin kaya hanggang ngayon ganito pa din, "Damn you val!"

Pagkatapos kong maligo nagbihis lang ako ng croptops na black para sa pang itaas kasi mainit na din ang panahon at loose jeans naman na high waisted sa baba. Napaupo pa ako sa dulo ng kama, nag iisip kung magsasapatos pa ba ako, pero sa huli nagsuot na lang din ako

Hindi na  ako nag ayos ng mukha kasi pagkatapos kong magsuklay, bumababa na ako para umalis nakita ko pang napatingin sa akin ang katulong para ngitian ko ang mga ito, "Lunch na po ma'am, kakain na po ba kayo?"

Umiling lang ako, "Hindi na po, pupunta po akong mall dun nalang po ako kakain."

Tumango lang ang mga ito para magsimula na naman akong maglakad papaalis, dumiretso naman ako sa parking lot kung saan andun ang kotse na niregalo sa akin nung 18th birthday ko.

Pumasok na ako at binuksan na ang makina nito, pinapayagan na akong magdrive kasi nagdriving lesson din naman ako pagkatapos itong ibigay sa akin kaya walang problema sadyang hindi ko lang talaga 'to ginagamit papuntang school kasi ayoko ng attention

Sinimulan ko na itong paandarin papuntang mall, hindi din nagtagal kasi nakarating din naman agad ako at pinark ko lang ang kotse sa parking lot ng mall at pagkatapos nagsimula na akong maglakad papasok ng mall

"Okay? what next Eos?" tanong ko sa sarili ko

Dahil hindi pa ako nagbbreakfast dumiretso ako sa starbucks, ang weird lang kasi dapat tanghalian na so dapat pang lunch ang uunahin ko pero sa panahon ngayon gusto kong makisabay. Gusto kong magkape tapos siguro pagkatapos ko dito tsaka na ako kakain

Habang humihigop ako ng kape, nanliit ang mata ko nang makita ko ang pamilyar na lalaki sa loob din ng starbucks na ito, anong ginagawa niya dito?

Mukhang napansin din ata nito ang pagtitig ko kasi bigla itong lumingon sa gawi ko at kitang kita ko kung paano sumilay ang ngiti nito sa labi para tumingin na lang ako sa ibang direksyon, tangina anong klaseng ngiti yun?!

Naiinis na pinapagalitan ko ang sarili ko kasi feel ko nagpapaapekto na naman ako sa iba, nang may maglapag ng kape sa harapan ko, napataas ang kilay ko ng makita ko ang mukha ng unggoy sa harapan ko at tila nakangiti pa, "Ginagawa mo dito?"

"Mukhang nakikisama sa akin ang tadhana, iniisip pa lang kita kanina tapos ngayon nakita na kita." nakakagagong sabi nito para mainis ako

Sa panahon ngayon kung magpapadala ka sa mga sinasabi ng mga taong nang iinis sayo matatalo ka talaga, dapat ngayon marunong ka din talaga magpaalis ng unggoy, "Lumipat ka! Maraming upuan oh, hindi mo nakikita? ayoko makita pagmumukha mo, hindi naman kita kilala!"

The Sound of Ocean Waves (Innamorarsi Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora