CHAPTER 7

2 2 0
                                    

"Val, kung ayaw mo bumangon bahala ka sa buhay mo pero papasok na ako." nagmamadali kong sabi habang sinusuot ko nalang ang sapatos ko at papasok na

"hintayin mo ko," mahinang bulong nito habang nasa kama ko pa din nakahiga hindi ko nalang ito pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa ko nang matapos ko ito ay kinuha ko na ang bag ko bago hawakan ito sa balikat at magpaalam

Dahil tinatamad ako nagpahatid nalang ako sa driver namin, "Salamat kuya." sabi ko nalang nang magpark ito sa parking lot ng school

Bumababa ako agad at naglakad mag isa papunta sa building ng depatment namin, napalingon nalang ako nang may tumawag sa pangalan ko.

"EOS!" takang lumingon ako sa likod ko at napataas ang kilay nang makita kong si lavin ito, tumatakbong lumapit sakin.

"Kamusta?" masayang tanong nito pero hindi ko lang sinagot, we're not that close para sagutin ko siya.

Sinudot sundot pa nito ang pisngi ko para mainis ako, "Ano ba?!" iritang ani ko dahil nakakapikon ang ginagawa niya

"Sungit mo sa umaga," natatawang ani nito

"Ikaw ang pangit mo sa umaga." bulong ko pero mukhang narinig nito dahil nagreact ito agad

"aguy attitude," sabi nito kaya napalingon ako dito pero napakunot nalang ang noo ko nang hindi ito nakatingin sakin kundi sa screen ng DSLR na dala nito, dahil nacurious ako kung sino ang tinitingan nito lumapit ako dito at tiningnan ang screen nito.

"Ako yan ei!" inis na sabi ko nang makita ko ang mukha ko sa screen nito, yun yung aksidente kaming nagkita sa mall nung sabado.

"Delete mo yan!" sabi ko kasi hindi maganda ang kuha niya sa akin doon pero umiling lang siya para mainis ako lalo, makareact ei hindi naman niya mukha ang pinapabura ko.

"Ayoko," sabi nito at tinago sa bag ang camera niya habang nakasunod pa din sa akin

"Bakit ka sumusunod? Magkaibang direksyon ang pupuntahan natin kasi iba ang building ng BSA," sabi ko pero napakunot lang ang noo nito

"Eos, Engineering din ako." sagot nito para mapabuntong hininga ako, nakalimutan ko na parehas pala kami ng program. Yung Rhyzz lang pala yung accountancy ang kinuha, okay sana lahat talaga may utak at talino.

Pero bakit kaya sumasama sakin ang kupal na 'to? Akala ko ba mag on sila so bakit siya nakikisabay sakin? ayokong maging kabit or anything dapat pinapaalis ko na 'to ngayon kasi baka bigla nalang may mag abang sakin sa kanto mahirap na, ayoko pang mabangasan ang mukha ko.

"Eos," tawag nito para lumingon ako dito kahit andaming pumapasok sa isip ko

"Oh?" takang tanong ko kasi bigla na naman akong tinatawag

"Sama ka mamaya?" tanong nito

"Saan?" inis na tanong ko

"Canteen, mamayang lunch." sagot nito para mapakunot ang noo ko, ang kapal naman niyang magyaya samantalang may jowa siya.

"Ayoko maging kabit!" sabi ko nalang para maguluhan ito, "Bahala ka sa buhay mo!" tumakbo na ako papuntang building namin na hindi ito nililingon kahit pa man tinatawag nito ang pangalan ko ng ilang beses.

Naging mabilis ang oras, ewan ko din kung bakit hindi na pumasok si Valerie mukhang tinamad na ata siya kaya ngayon hindi ko alam kung saan ako pupunta mamayang lunch kasi wala din naman akong kasama.

"Eos," tawag ng kung kanino sakin habang nakayupyop ako sa lamesa ko

"Bakit?" tanong ko nung makita ko si Drake sa harapan ko

"May naghahanap sayo sa labas," sabi nito para mapatayo ako at pumunta sa pintuan, napataas nalang ang kilay ko nang makita kong si Lavin ang nasa labas.

The Sound of Ocean Waves (Innamorarsi Series #1)Where stories live. Discover now