CHAPTER 9

0 1 0
                                    

"Ihahatid uli kita bukas," basag nito sa katahimikan para mapalingon ako dito

"Hindi mo na ako kailangan ihataid kasi papasok din naman si Val bukas siguradong kasama ko siya papauwi tapos wala ka din namang responsibilities sakin kaya hindi mo na ako kailangan ihatid sa bahay, you're not my driver after all!" sabi ko

"Well mukha ka namang driver, pwede na." dagdag na bulong ko para manlaki ang mata nito at iduro ako na parang may nagawa akong masama sa kanya

"What?" tanong ko

"Ang attitude mo girl," maarteng sabi nito para matawa ako

"Wtf?" ani ko at natawa pa

"Pero you know what? Hindi naman na ako iba Eos, alam ko namang gwapo ako kaya maiintindihan ko kung bibigyan mo ko ng napakaraming compliments. Sinasabi mo lang na pangit ako at unggoy para takpan yang pagnanasa mo sakin eh, alam ko naman. Pero kung mapilit ka at gustong gusto mo talaga ko kaya kong iaalay ang katawan ko para sayo," gagong ani nito para batuhin ko ito ng panyo habang nandidiri sa mga pinagsasabi nito

"Alam ko din na medyo gutom ka kasi milktea ang inuna natin pero wag mo naman masyado ipahalata na pag nagugutom ka, nagiging abnormal ka at kung ano ano pinagsasabi mo," bara ko dito

Natawa naman ito, "Alam mo grabe talaga yang tabas ng dila mo, gusto mo ba putulin ko yan? gamit ano ko?"

"Ang ano?" matapang na tanong ko

"Gamit labi ko," nanghahamon na sabi nito para mapaatras ako, natakot sa sinabi nito.

"Alam mo lavin? uuwi nalang ata ako," biro ko tapos tumayo na pero hinawakan nito ang braso ko at pinaupo ako uli

"Nagbibiro lang ako pero kung gusto mo naman, bakit hindi?" pang aasar na naman nito sa akin pero hindi ko nalang muna pinansin kasi ako lang ang masstress

"Tahimik mo, nawala na ba angas mo?" tanong nito para mapalingon ako dito, akala ko si Val lang grabe ang kahyperan kong kasama at kilala pero meron pa pala, si Lavin at mas natriple pa ata kasi puro hangin ang lumalabas sa bibig niya.

"Mawawala lang ang angas ko pag sinapak kita at dumugo 'yang bibig mo!" inis na sabi ko pero tumawa lang ito

Tumayo ito at hinawakan ang kamay ko, "Maglakad lakad na muna tayo," sabi nito at nagpaubaya naman ako at huli ko na din namalayan na magkawahak pala kami ng kamay nang mapadaan kami sa isang store na puro salamin, bakit hindi ko naramdamam?

"Saan tayo?" tanong ko

Hindi ito sumagot at hinila lang ako nito sa bilihan nang mga necklace, "Bibili ka?" tanong ko

"Hindi, titingin nalang muna." sabi niya, dahil dun nakitingin na din ako

Naweweirduhan nalang ako everytime na nagtatanong siya doon sa may bantay at mukhang nagsawa kasi hinila na ako papalabas, "Pwede na pala bumili doon kaso ayoko ngayon."

Tumango nalang ako kasi wala akong masabi, naglakad lakad lang kami hanggang sa mapunta kami sa bench ng mall at umpo, "Nagugutom ka ba? Ako kasi hindi pero kung gusto mo kumain pwede naman kitang samahan."

"Hindi ako gutom Lavin," sambit ko kaya tumango lang ito

"About doon sa sinabi ko kanina na ihahatid kita bukas kung ayaw mo naman kasi may kasama ka naman, pwede naman kahit hanggang parking lot lang." ani nito habang nakatingin sa ibang direksyon kaya hindi ko alam kung seryoso ba siya o nagbibiro lang

"Baka makaabala lang ako," sagot ko

"Kung abala ka sa akin hindi na sana ako nag offer sayo na ihatid ka," sabi ni Lavin at ngayon ay nakatingin na sa akin, tiningnan ko naman ito at mukhang seryoso naman siya tumango nalang ako. Ngumiti naman ito bago guluhin ang buhok ko, "Ang liit mo!" natatawang sabi nito para tampalin ko ito sa braso

The Sound of Ocean Waves (Innamorarsi Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora