CHAPTER 6

5 4 0
                                    

Kanina mo pa ako tinititigan, may dumi ba sa mukha ko?" inis na tanong ko sa kaharap ko kasi kanina pa nakatingin sa mukha ko bukod nakakailang, nakakairita din.

"Kung dumi ang pagiging maganda, ikaw yung dumi na gusto kong ipahid sa mukha ko." seryosong sabi nito kaya napataas ang kilay ko, ang corny lang!

"Wtf lavin! ang cringe lang," puna ko sa banat nito para matawa lang ito

"Uuwi na ako," sabi ko nung makita kong malapit na maubos ang kinakain ko

"May pupuntahan pa tayo wag ka muna umuwi," ani nito para taasan ko ito ng kilay, sumusobra na kanina pa kami magkasama na unang una pa lang hindi naman dapat kasi mag isa lang akong pumunta dito sa mall para sa kapayapaan na gusto ko madama pero iba ata ang nangyari

"Kanina pa tayo magkasama at kung saan saan na din tayo nakapunta, hindi ka pa ba pagod?" inis na tanong ko

"Pag ikaw ang kasama ko hindi ako makakarandam ng pagod," banat na naman nito para batuhin ko ito ng table napkin na nasa mesa namin

Tumawa lang ito nang malakas para mapatingin sa amin ang ibang tao na kumakain din dito sa restaurant na nasa loob din ng mall, "Kapal ng mukha mo!"

Nang matapos kaming kumain lumabas lang kami agad hanggang sa mapahinto kami sa isang part ng mall na may mga nakadisplay na bulaklak na nakaarrange para magmukhang garden yung place, nagulat nalang ako ng ayusin ni Lavin ang buhok ko at inilagay ang ilang hibla na tumatabing sa mukha ko sa gilid ng tenga ko at may hawak na itong DSLR, "Kukuhanan kita."

Hindi ko alam kung ano ang isasagot kaya ito na mismo ang humawak sa balikat ko at dinala ako sa gitna mismo ng garden, masyadong lutang ang nararamdaman ko everytime na hinahawakan niya ako. Napailing na lang ako habang nakatayo at inaantay kung ano na naman ang kalokohan na ipapagawa niya, "Ano na?"

"Ngumiti ka," utos nito para ngumiti ako ng peke

Napataas nalang ang kilay ko nang ibaba nito ang camera nito, "Ang pangit ng ngiti mo! Ayusin mo naman!"

Naiinis na lumapit ako dito at kinurot ang braso nito para mapaaray ito, "Ang kapal naman ng mukha mo!"

Natatawang tinanggal naman nito ang pagkakurot ko sa braso, "Masyado ka ng pikon, dali na kukunan nga kita ng litrato. Ayusin mo gwapo pa naman ang photographer mo tapos bubusangot ka lang diyan!"

Hindi ko alam kung bakit ako sumusunod sa mga utos niya, naninibago na lang ako  at nagulat nang makita ko yung sarili kong nakatayo sa pwesto na pinaglagyan niya sakin at ngumingiti habang kinukuhanan ng litrato ng unggoy na 'to na nasa harapan ko

"Ayusin ko pa 'to bago ko isend sayo!" sabi nito habang nakangiti na nakatingin sa screen ng DSLR nito, curious naman akong napatingin din sa tinintingnan nito pero napakunot nalang ang kilay ko nang makita kong mukha ko lang naman 'to at zinozoom pa

"Bakit mo pa eedit? maganda naman yung kuha ah?" tanong ko habang naglalakad kami

"Alam kong maganda ka," sabi nito

"Yung kuha, yung litrato lavin maganda!" sagot ko kasi parang hindi naman ata nito naintindihan yung sinasabi ko

"Alam ko pero mas maganda yung tao sa litrato." seryosong sabi nito para mapatanga nalang ako sa kinatatayuan ko

"Eos tara na!" sigaw nito nang mapansing nakatayo pa din ako kung saan ako nakapwesto kanina, nang hindi ako lumapit agad ito na mismo ang lumapit sakin at hinawakan ang braso ko para hilain at makasunod ako

Nang nasa parking lot na kami huminto nalang kami sa tapat ng kotse ko, "Ano?"

"Uuwi kana," ani nito para matawa ako, mukhang pagod na ata 'to.

"Akala ko ba may pupuntahan pa tayo? Pagod ka na ba? Edi sumuko din kahyperan mo?!" pang aasar ko pero ngumiti lang ito

"Ako hindi pa pagod pero baka ikaw pagod kana kaya umuwi kana, pahinga kana." ani nito

"Next time nalang natin puntahan yung dapat pupuntahan natin ngayon," dagdag nito

"Last na 'to, hindi na ako sasama sayo sa susunod." bara ko dito

"Try me Eos." ngising ani nito para batuhin ko ito ng panyong hawak ko pero mukhang mas nasiyahan pa 'to kasi mas lumakas ang tawa nito

"Takot ka?" tanong nito

"Hindi!" matapang na sagot ko, as if naman kasi na takot ako bukod na siya lang naman yan, alam ko kung anong gagawin ko kung lumampas man sa linya

"Sakay na," sabi nito habang nakatayo pa din ako sa pintuan ng kotse namin

"Kita na lang tayo sa school!" dagdag pa nito pero hindi ko nalang pinansin kasi ang daldal niya sobra para siyang babae

"Yung number mo pala?!" habol nito nang makasakay ako sa kotse ko pero tinaas ko lang ang gitnang daliri ko para matawa at ito at mapailing na lang

"Kahit hindi mo naman ibigay sakin makukuha ko pa din naman," mayabang na sabi nito para pagtaasan ko ito ng kilay, masyadong mataas ang confidence niya para sabihin yun.

Sinarado ko ang pintuan ng kotse nang hindi pinapansin ang sinasabi nito para siyang si mommy andaming habilin. Nang makita kong kumakaway na ito tinarayan ko nalang ito bago paandarin ang kotse papauwi, hindi traffic kaya nakauwi agad ako sa bahay.

Gusto ko na din sana matulog uli kaso automatic na sumakit ang ulo ko nang makita ko si Valerie na nakangiti sa labas ng pintuan ng bahay namin at mukhang inaantay ako, "Naunahan pa pala kita umuwi, masaya?"

"Uy pabulong!" sigaw nito nang lampasan ko ito

"Issue ka Val!" iritang sabi ko pero kumapit lang ito sa braso ko sabay ngisi

"Hindi naman ako magiging ganito kung wala akong nakita!" bulyaw nito at tinutusok tusok pa ang pisngi ko

"Coincidence lang talaga na nagkita kami sa mall," mahinahong sabi ko pero ayaw talaga maniwala kaya napailing nalang ako habang papaakyat ako ng kwarto

"May dala akong pagkain, kumain na tayo sa baba," aya nito

"Kumain na ka-

Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang makita ko ang itsura ni Valerie na parang may ginawa akong mali sa buhay, "Naano kana?"

"Sabi mo coincidence lang na nagkita kayo so bakit may kainan na naganap?" malisosyang ani nito pero ang weird lang ng word na ginamit niya para mainis ako

"Kumain kami hindi nagkainan tsaka ang kulit 'no." ani ko nalang para tapusin nalang nito ang pangungulit pero mas mukhang ginanahan pa ito ng magtanong ng magtanong

"Eh ikaw anong ginagawa mo sa mall?" balik ko na tanong pero hindi lang ito nakasagot para maningkit ang mata ko

"May kadate ka na ba uli?" natatawang tanong ko pero umiling lang ito agad, defensive.

Kahit hindi ko tinatanong bigla nalang ito nag explain na may binili lang daw siya para tumaas ang kilay ko, "Really val?"

Mukhang napansin naman nito na hindi ako naniwala kaya napanguso nalang ito habang yakap ang bewang ko, "Wala nga,"

"Wala akong sinabing hindi ako naniniwala masyado ka ng defensive val," asar ko dito para mainis ito at humiga nalang sa kama ko at magtulog tulugan

"Pero Eos, kung sakali mang maglandian kayo okay lang." bulong nito na rinig ko naman hindi ko nalang pinansin kasi wala namang patutunguhan yung sinasabi niya sadyang napakalaking coincidence lang talaga na nagkita kami ni Lavin sa mall

Ilang minuto lang ang nakalipas mukhang nakatulog na si Valerie masyado atang pagod ngayong araw, siguradong hanggang bukas dito na yan sa bahay. Kinuha ko nalang ang phone ko at tinext ang mommy niya para iinform na andito ang butihin niyang anak

Nang makaramdam ako ng antok tumabi na din ako ng higa dito, pagod ako. Aware akong hindi pa gabi pero ano magagawa ko hindi na talaga kaya ng mga mata ko kaya nakatulog na din ako agad.

The Sound of Ocean Waves (Innamorarsi Series #1)Where stories live. Discover now