CHAPTER 10

1 1 0
                                    

"Bilisan mo, ang bagal bagal mo late na tayo! Dinamay mo pa kasi ako sa panunuod kagabi, ikaw talaga Valerie umuwi kana sa bahay niyo!" sabi ko pero tumawa lang ito, ayaw niya pa daw umuwi kasi mas maganda daw sa bahay may nakakausap siya, like my parents, busy din ang mga magulang nito sa company nila kaya parating wala sa bahay nila.

"Ayaw mo na ba ako kasama?" sabi nito habang naglalakad kami sa building ng department namin, natawa naman ako sa tanong nito alam ko namang magddrama na naman ito kaya hindi ko nalang sinagot, well pwede naman siyang magstay sa bahay kahit kailan niya gusto. My parent's trust her so much kaya kahit tumira pa ata siya sa bahay, okay lang.

"EOS!"

Napatingin kami sa harap nang makitang papalapit sa amin si Lavin at nakangiti pa, binilisan ko nalang ang lakad ko kasi feel ko mas mauuna pang dumating ang proof namin kaysa sa amin. Lalampasan ko na sana si Lavin nang hawakan nito ang braso ko para mapatigil ako, "Bakit?"

"Bakit nagmamadali ka?" tanong nito

"Baka malate ako," sambit ko

"Hindi mo ba alam?" tanong nito habang nakapamulsa sa harap ko

"Yung? Dalian mo baka maunang dumating yung proof sa amin." naiinis na ani ko dito

"Walang magtuturo Eos, may meeting ang lahat ng proof this day. Inannounced na nga sa school page natin pero pinapapunta pa din tayo sa school for attendance and some activities kaya hindi mo kailangan magmadali," sabi nito para matawa si Val sa tabi ko

"Alam mo ba? kaya hindi ka nagmamadali kanina? please sabihin mong hindi mo alam kasi masasabunutan talaga kita." litanya ko para mapaatras si Val, alam niya na ata pero hindi niya ako sinabihan. Huminga naman ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko.

Pawis na pawis pa ako kasi lakad at takbo ang ginawa ko kanina tapos wala naman palang dapat ipag alala, Napansin naman agad yun ni Lavin para maglabas siya ng panyo at pinunasan ang pawis ko sa noo. Inagaw ko naman agad iyon tapos ako na ang nagpunas sa sarili ko, "Malinis ba 'to? Baka ginamit mo na 'to ah." paninigurado ko pero ngumiti lang na umiiling si Lavin at inayos pa ang buhok ko na tumatabing sa mukha ko

"Lagi nalang magulo ang buhok mo, magtali ka." sabi niya para hanapin ko ang tali ko sa buhok at ibinigay dito

"Sa bench tayo" sabi ko nalang

Maglalakad na sana kaming dalawa nang may nakalimutan ako para lumingon ako sa likod, at natatawang si Val ang bumungad sa akin. "Kinalimutan mo ata ako?" tawang sabi nito, lumapit naman agad ako dito at kumapit sa braso para hilain na kasi baka mag inarte na naman siya

Magkatabi kami ni Val na nakaupo sa bench habang si Lavin nakatayo sa harapan ko, "Akin na yung tali ang gulo ng buhok mo." sabi nito, tinatamad ko namang binigay dito ang pantali ng buhok habang nakatingin sa building na nasa harapan namin

PAGKATAPOS kong talian si Eos, nakatingin lang ako dito habang nakatitig naman ito sa harapan. Hindi ko ba alam, ang payapa nang pakiramdam pag siya ang kasama ko. Matagal akong nakatitig sa mukha nito nang may ituro ito sa harapan, "Diba kaibigan mo yun?" tanong niya habang nakaturo kay Rhyzz na naglalakad habang hawak ang tiyan at namumutla

Dali dali naman akong tumayo at sinalubong ito, naiiritang nagtaas ito nang tingin at nang mapagtantong ako yun bigla nalang itong tumikom, "Nagmamadali ako Lavin, padaanin mo ako." sabi nito at parang may iniindang masakit

"Ayos ka lang ba?" tanong ko, napatingin ako nang bigla nitong hawakan ang sikmura nito at biglang kumapit sa braso ko para alalayan ang sarili

"Rhyz," sambit ko pero pumikit lang ito habang nakatayo, naramdaman ko namang lumapit din sa amin sila Eos para umayos naman ito nang tayo

The Sound of Ocean Waves (Innamorarsi Series #1)Where stories live. Discover now