CHAPTER 4

8 4 0
                                    

Ang bilis ng oras sa sobrang bilis hindi ko na namalayan na friday na pala ngayon kaya last day ng pasok kaya ngayon si Val ang daldal kasi andaming plano papauwi

"Wag mo ako tanungin Val, alam ko namang kahit ayaw ko sumama pipilitin mo pa din naman ako," sabi ko dito kasi totoo naman kailan pa ba siya pumayag na hindi ako makakasama sa mga lakad bukod sa wala na talaga siyang isasama, wala din siyang choice kasi ako nga lang. Pero may bago naman na din siyang kadaldalan, damn! lagi silang magkausap ni Drake, parehong pareho ang ugali nila minsan nga feeling ko nga baka hindi din nila nararamdaman na andito ako kasama nila

"Pagbigyan mo na ako Eos, nasstress talaga ako kasi mahina talaga ako sa designs. malay ko bang pati sa engineering meron non akala ko sa archi lang ei" rant nito pero hindi lang ako sumagot dito kasi randam ko naman talagang stress nga siya

"Need ko ispoil self ko kasi masyado kong pinagod katawan ko," maarteng ani ni Val para tumaas ang kilay ko

"Napagod din ako Val pero hindi ko inispoil sarili ko! Dami mong arte, ipahinga mo lang 'yan mawawala din yan!" mataray na puna ko kasi andaming nalalaman

May sasabihin pa sana ito nang dumaan sa harap namin yung lalaki sa parking lot para mapalingon sa akin si Val at parang chismosang kumapit sa braso ko, "Alam mo ba? simula nang makaencounter natin yan nung monday, lagi ko na yang nakikita minsan nga sumusulyap sulyap pa sayo ei! Baka crush kana niyan eos!"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito, "Val ang issue mo! Natural na makikita natin 'yan kasi engineering din ang program niya, same building! Kaya don't jump into conclusions tsaka he has a girl din so shut up!"

"Pero kung wala nga? gusto mo din ba?" chismosang tanong nito

"Seriously? Alam mo namang hindi 'yan ang priority ko diba? I don't want to be attach to somebody again that will hurt me in the end, cycle na yun so dapat aware na tayo dun. Habang maaga just focus to ourselves na lang," seryosong sabi ko

Nasa bench kami sa harapan ng room namin kaya malayang malaya kaming titigan ang mga taong dumadaan, tanghaling tapat so mainit pero kabaliktaran ang nangyari kasi nga yung bench na kinauupuan namin ay nasa ilalim ng malaking puno so medyo malamig din at mahangin

"Chill eos, i know. binibiro lang naman kita." lambing nito para tumango lang ako

"Don't do that again, naiirita lang ako kasi feel ko pinagtutulakan mo ako sa taong hindi naman natin sigurado kung makakabuti nga sa akin," sabi ko

"you know my whole experienced right? man can harm us Val, they are not good for us." dagdag ko

Niyakap lang ako ni Val nang mahigpit para matahimik ako at hindi ko namalayan na may tumutulo na palang luha sa mga mata ko, "fuck,"

"I'm so sorry loves," pag aalo nito pero dahil mabigat talaga ang nararamdaman ko, tinango ko na lang

"Wala akong panyo putek!" natatawang sabi ni Valerie para matawa ako

"Here."

Napahinto ako sa pagtayo ko nang may lumitaw na kamay sa harapan ko at may panyo pa, "Take this."

Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko at napataas ang kilay ko nang makita kong ito din yung lalaki na pinaguusapan namin ni Val, yung lalaki sa parking lot. Hindi ko alam kung matatawa ako pero yun talaga ang nickname ko sa kanya kasi i don't know his name din.

"Tanggapin mo na, nakakangalay na!" sabi nito at pinagpipilitan sa harapan ko ang panyo kasi hindi ko ito kinukuha

Nagulat ako nang hawakan nito ang mukha ko at ito na mismo ang nagpunas sa pisngi ko na may luha dahil sa pag iyak ko, "Dami mo pang arte, ako na magpupunas 'yun ata gusto mo ei kaya hindi mo kinukuha."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito para maitulak ko ito, "Ang kapal naman ng mukha mo!"

Imbis na magalit ito mukhang natuwa pa ito kasi bigla itong ngumisi at biglang nilahad ang kamay, "Nice to meet you again, what is your name?"

"Name mo mukha mo!" sabi ko at binangga ang balikat nito para kunin ang bag ko na nasa bench at hinatak si Valerie na nakangiti lang na parang tanga

Maglalakad na sana kami papaalis nang hawakan nito ang braso ko para mapahinto kami, "Wait, i'm lavin."

"how about you?" tanong nito

Tatarayan ko na sana ito nang biglang binaklas ni Valerie ang pagkakahawak ko sa braso nito at nakangiting hinarap si Lavin, "She is Eos, Eos Perez! You can ask me about her number if u want too!"

Dahil sa sinabi nito bigla nalang nanlaki ang mata ko, wtf? Feeling ko trinaydor ako ng kaibigan ko, "Wow Val?! desisyon ka?"

Kinikilig lang na hinampas nito ang braso ko habang nakatingin pa din sa kaharap nitong lalaki, "Well can i ask you next time?" sabi nito na tila sinabayan ang trip ni Val

Lumingon ako sa lalaki at hinarap ito, "No you can't! without my permission! you will never get my phone number understand?"

Tila nang aasar ang gago kasi nakangiti lang ito, "Ngayong alam mo na kukunin ko nga, can i get your number na?"

"No, hindi mo makukuha!" naiinis na sabi ko at hinatak na si Val

"KUNIN MO NA LANG SAKIN KUNG GUSTO MO POGI! DIMPLES MO NAKAKAMATAY!" sigaw ni Val para mas bilisan ko pa ang paghatak nito papasok sa room ko

"KUKUNIN KO NGA! WAIT YUNG PANYO KO EOS!" sigaw nito para mapahinto ako, hindi ko namalayan na kasabay pala ng pagtulak ko dito kanina inis kong din palang kinuha ang panyo nito

Lumingon ako dito at naiinis na naglakad  papunta dito pero bigla nalang itong tumakbo, "Sayo na muna 'yan baka malate na ako! Kukunin ko nalang sayo kung may free time ako!"

"Kunin muna ngayon! Ayoko na makita pagmumukha mo!" sigaw ko pero tumawa lang ito habang kumakaway pa habang tumatakbo papalayo

"HOY UNGGOY!" sigaw ko pero hindi nagpatinag para mainis ako at mapapadyak nang unti unti itong mawala sa paningin ko

Naiinis na binulsa ko ang panyo nito habang naglalakad papunta kay Val na mukhang tangang nakangiti habang nakatingin sa akin, "Anong ngiti yan?"

"Unggoy daw, gwapo gwapo nun!" bulong nito para lumingon ako dito pero ang gaga nagkunwareng walang binulong at umuna pang lumakad para maiwasan ako

"Kainis."


The Sound of Ocean Waves (Innamorarsi Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang