Chapter 1

11 0 0
                                    

Happiness







I woke up at five o' clock, its too early. Mamayang 8 Am pa naman pasok ko kaya napagdesisyunan kong bumaba para magluto ng agahan.

"Itlog, itlog, itlog nasaan ang itlog?" bulong kong kanta habang naghahanap ng lulutuin sa ref. Kumuha ako ng itlog, ham at longanisa para iluto. Nagsaing na rin ako ng kanin habang inaantay na lumambot yung ham at longganisa.

"Aga mo ah" rinig kong sabi ni Ate papasok ng kusina. TInaasan ko lang siya ng kilay habang pinapanood siya na kumuha ng tubig.

"May pasok ka?" tanong ko sa kanya.

"Malamang, Friday pa lang be. Ako na maghahatid kay Maecy mamaya, 'wag ka mag-alala." Dire-diretsong sabi niya kaya naman napangiti ako.

"Nakangiti ka nanaman, bakit susunduin ka ng jowa mo ngayon?" nagulat ako sa tanong niya, paano niya nalaman.

"Stalker ka ba? Paano mo nalaman?" nakakunot-noo kong tanong.

"Excuse me?! Wala akong mapapala diyan be, narinig ko si mama badtrip nanaman dahil sa'yo, gaga ka. HInatid ka daw kagabi at nagkabalikan na daw kayo." Paliwanag niya sabay kuha ng mga plato para ayusin. Umiling nalang ako at nagpatuloy sa pagluluto, 'di ko naman na mababago isipan ni Mama tungkol kay Viko. Mgakalahating oras din akong nagluto at sakto naman narinig na namin ang boses ni Mama.

"Ang aga-aga ang lalakas ng boses niyo." Salubong ni mama bago umupo sa hapag. "Gisingin niyo na si Maecy, sino maghahatid don?"

"Ako ma dahil maaga din ako aalis." Sagot ni ate Mich at umakyat na para tawagin si Maecy. Tinignan naman ako ni mama kaya nagpaliwanag agad ako.

"Mamaya pang 8 pasok ko ma atsaka---" di pa ako tapos nang putulin niya yung sinasabi ko.

"Atsaka nakamotor ka? Naku Margaux ha, sinasabi ko sa'yo." Banta niya.

"Ma, mabait si Viko. Bakit ba kasi ayaw mo siyang kilalanin? Hindi naman kami magtatagal niyan kung---"

"Hindi ka sigurado Margaux." Putol niya ulit, "Atsaka hindi lang yan tungkol sa kung mabait siya o hindi, paano kung madisgrasysa ka jan kakamotor ha?! At ano? Ayaw kong kilalanin?! Margaux asal niya palang kapag nagawi yung lalakig iyon dito sa bahay di na kaaya-aya. Ayokong magpakaplastic siya sa harap ko."

"Ma," awat ni ate. I just sighed and started to eat. Ayokong magwalk-out dahil nagugutom na rin ako, wala ako sa drama para mag-inarte. Tahimik nalang akong kumain at pagkatapos ay nag-asikaso na para umalis. Nalagay narin ako sa ba ng pangbihis para diretso na sa bar mamaya. Iiwan ko nalang sa sasakyan ni Fharinne yung bag.



Pagkababa ko ay nagkaalis na sila ate, si Papa naman ay nasa banyo kaya kay mama nalang ako nagpaalam. Pagkalabas ay nakita ko na si Viko na nag-aantay sa may labas.



"Good morning hal." Bati niya sa akin at isinuot ang helmet. Nginitian ko siya at bumati rin.

"Morning." Tipid na sabi ko at sumakay na.

Sailing to Reach You (five senses series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon