Chapter 7

5 0 0
                                    

Elevator








Habang papalapit sa elevator ay ganon din kalakas ang tibok ng puso ko, mas natatakot pa akong may makakita sa akin galing dito sa unit ng mokong na 'yon kesa sa mapagalitan ng nanay ko dahil nag-inom nanaman ako.



Nakaisip na ako ng paraan kung anong idadahilan kay Fharinne kung sakaling mahuli niya akong pababa galing ng 20th floor pero wala pa akong maisip na dahilan kung saan ako natulog. Napasapo ako sa aking noo at napabuntong-hininga. Bahala na si Nana, gawin niya nalang akong kuneho mamaya.



Nagulat pa ako nang tumunog ang elevator at tumambad sa akin si Beige, his face doesn't look shocked na nakita ako pababa kaya tipid nalang akong ngumiti at binati siya.



"Oh beige, ikaw pala." Taas ko ng kamay, tumango lang siya at pumasok na sa elevator. "Sige una na 'ko, puntahan ko si Rinne." Hindi na siya nagsalita kaya nauna narin akong lumabas a nagmadali papunta sa unit ni Rinne.



I clicked the bell and waited for Rinne to open up. Mga limang minuto rin akong nakatayo sa labas ng unit niya at nang bumukas ang pinto ay napatakip siya ng kanyang bibig.



"Kanina ka pa jan?!" gulat na tanong niya.



"Ha?" takang tanong ko pero agad ding nabawi iyon, "Mga 5 minutes palang naman." Pilit kong kinalma ang boses ko.



"Nakasalubong ko din pala si Beige sa elevator, may date?" sabi ko habang naglalakad kami papasok. Ibinaba ko naman ang aking bag at umupo sa sofa.



"As usual." Irap na saad niya, kaya naman ay napatawa ako. "Bakit ba kasi hindi ka nagtext na papunta ka na, edi sana di muna ako naligo."



"Kawawa ka naman." Pang-aasar ko. "I forgot to text you, nagmamadali ako." Buti nalang ay hindi niya na narinig ng huling sinabi ko dahil naglakad siya papuntang kitchen at saka ngayon lang rin nagsink in ang sinabi ko. Ilang sandali pa ay naglabas siya ng 1.5 na coke at naglapag din ng dalawang baso sa coffee table niya.



"Isipin mo nalang alak 'yan." Maikling sabi niya at nagsalin sa sarili niyang baso.



"Alak amp, ang aga-aga RInne ha." Umirap ulit siya at sinalinan naman ang baso ko.



"Ay oo nga maaga pa, nag-almusal ka na?" tanong niya.

Sailing to Reach You (five senses series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon