Chapter 10

5 0 0
                                    

Tour





Pag gising ko ay tumambad sa akin ang sinag ng araw kaya ay napatakip ako sa aking mukha. Hinanap ko agad ang aking cellphone para tignan kung anong oras na.

But one thing caught my attention,


@kianjm liked your post.


Tsk, you’re stalking me now Mister.” Sabi ko sa aking sarili. I clicked the notification to check kung ano yung nilike niya. Nagbago ang expresyon sa aking mukha. I thought he liked my selfie or something but he liked the filler picture, it was a plane and a yacht. I locked my phone at dumiretso na para mag-asikaso.


I wore a white polo and black pants. They did not require us to wear the university’s uniform and wala pang sinabi kung magbibigay ba sila ng uniform sa hotel, maybe they will discuss that later. Its already 8:30 but since its our first day 10 AM pa ang punta namin sa hotel.



Kinuha ko na lahat ng gamit ko at dumiretso na pababa para mag-almusal. Nakita ko na si papa na nagkakape, si mama naman ay abalang nag-aayos ng pagkain.


Aalis ka na?” tanong ni mama.


Kakain po muna, mamaya pa naman alas diez ang pasok ko.” Tumango lang siya at pinagpatuloy na ang ginagawa. Ako naman ay kumuha ng sariling plato at nagsimula nang magsandok ng pagkain.



Bakit hindi ka naka uniporme?” tanong ni papa habang abala rin siyang nagpapalaman ng tinapay.


Ah, OJT na po kasi. Hindi ko pa pala nabanggit sa inyo. Kaya hindi ko po pala alam kung anong oras ako makakauwi.”


Ayusin mo Margaux ha, para naman mabawasbawasan ang bayarin dito sa bahay, makahanap ka agad ng trabaho pagkatapos mo.” Tumango-tango nalang ako at di na nagsalita sa sinabi ni mama.



Nang natapos akong kumain ay nagligpit na ako at nagpaalam.



Saan ka nga pala mago-OJT?” pahabol na tanong ni mama.



Sa Krevan Hotel & Company po.” Tumingin si papa sa orasan at kumunot ang noo.



Mag-aalas nuebe na, umalis ka na dahil malayo pa iyon at baka matraffic ka.” Saad niya.


Sige po, una na po ako Ma, Pa.”



Few more goodbyes ay nakaalis narin ako ng bahay. I texted Ashley and Joanna kung nakaalis na sila at magkita nalang kami sa tapat ng hotel.


Gaya ng sabi ni papa ay traffic nga kaya inabot din ng isang oras ang aking byahe. Buti nalang ang at isang sakayan lang ako at hindi na kailangan magpalipat-lipat dahil hassle talaga.


Bumaba ako sa fx at nakita ko agad na kumakaway sila Ashley, inantay ko nalang silang makatawid at sabay-sabay na kaming pumasok sa hotel.


The hotel screams neatness and it was aesthetically pleasing at the eyes. I only see these in pictures but now that I see it with my own two eyes, I know why it is so famous.



Good Morning, are you the students from PTMU?” the staff asked when she went to us.



Good Morning, yes po kami po iyon.” Sagot naman ni Ashley.

Sailing to Reach You (five senses series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon