Chapter 20

13 0 0
                                    

Favor

Trigger Warning: Suicidal Thoughts






After that dinner with Kian's parents, nasundan pa iyon. Halos kada linggo ay bumibisita kami sa kanila. I got to know more Kennery, sometimes we do makeup sessions and mostly we talk about studies. Tinutulungan ko siya kapag may hindi siya maintindihan sa lesson and of course graduating siya kaya sobrang aligaga niya sa buhay. Tita Vangie always cooks for us; she even taught me to bake a cookie.



"Miss..." napalingon ako sa tumawag dahil kakatapos ko lang tulungan si tita magluto ng caldereta for dinner. I looked at him and smiled, he's just keeping a straight face and waiting for me to come.



"Bakit?" I said without even making a sound.



Hindi niya na napigilan ay bigla niya akong hinigit papunta sa hagdan, nagpahila nalang rin ako dahil wala naman ng gagawin.

We entered his room, naamoy ko agad ang palagi kong naaamoy na panlalaking pabango niya. It wasn't my first time entering his room I already saw it when I first came here and I was shocked on how clean it was, na parang gusto ko siyang asarin at magkalat.



"the first time you came here, you're so nervous." Rinig sa boses ang kanyang pagtatampo then he sat on the couch at the end of his bed pulling me to sit next to him, "but now, why do I feel like it's already your house?"



I shrugged, "hindi ko din alam, I just found it here comfortable rather than our house. Doon kasi maliit na nga lang yung bahay namin, di pa mga nag-uusap yung tao or kung mag-uusap man laging, laging nauuwi sa awayan. Nakakapagod pala, sobra." Naramdaman ko nalang ang kanyang pagyakap sa aking likuran.



"that's why you wanna move out?" I nodded on what he said. That's the part of the reason too. Plus, I want to be independent. I want to move with no worries.



"You can just be my roommate, I'll let you pay. Marami namang kwarto yung unit ko." Pilyo niyang sabi.



"Tigilan mo ako sa mga style mo Kian. 'Diba sabi ko naman sa'yo gusto kong macompute yung expenses ko, so pano ko magagawa yon. Atsaka ang mahal mahal don sa condo niyo, nug nalaman ko kay Rinne yung presyo, nalula ako."



"I can give you discount, a girlfriend discount." Saad niya sabay kindat at nagbigay pa ng flying kiss.



"tignan mo, galawan mo talaga eh. T-tsansingan mo lang ako. Playboy." Bulong kong sabi sa huling salita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sailing to Reach You (five senses series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon