Chapter 3

8 0 0
                                    

Paranoid










"Nahihilo na ako sa totoo lang" reklamo ko habang nagtatype ng part ko sa powerpoint presentation. Bukas na ang presentation pero ngayon palang kami gumagawa.



"Bakit ba kasi tayo nagtourism, paano tayo magkakajowa niyan kung sa future lagi tayong nasa eroplano." Sabi ni Joanna habang kumakain ng tinapay.


"Ay Joanna, sure ka bang makakagraduate ka?" pang-aasar na tanong ni Francis, kaya naman ay nagtawanan kami.



"Kung 'di ako makakagraduate, paano ka pa ha?" sagot nito sabay bato ng papel kay Francis, nagpatuloy lang ako sa pagtatype hanggang matapos ko yung part ko.



"Buti pa 'to si Margaux, blessed. May jowa, matalino, maganda," sabay turo ni Ashley sa akin. "Prayer reveal naman jan mare."



"Mga baliw, ako nanaman nakita niyo." Sabi ko at kumuha din ng cheese cake sa lamesa.



"Pero pwede naman tayong magjowa, kaso kailangan tourism din or marine diba? Para naman hindi unfair yung LDR" sabi ni Maui at hinawakan pa ang baba na akala mo talga ay nag-iisip.



"Have you heard about the guy sa kabilang building, the one that is taking up MBA. He already graduated Marine Engineering tapos ngayon ay about sa business naman ang tinitake niya. Shipping Management ata?" dugtong na kwento ni Maui.



"Ang sipag niya naman, ngayon pa nga lang tinatamad na ako mag-aral." Sabi ko sabay kagat sa cheese cake.


"Girl, ayon ang magandang jowain. Ano pangalan? Mamaya nakakasalubong na pala natin di natin alam." Na-eexcite na sabi ni Joanna kaya naman binatukan ito ni Francis.



"Aray! Ano ba problema mo? Selos ka?" sigaw ni Joanna dito, patuloy silang nag-asaran hanggang sa matapos kami sa ginagawang presentation. Niligpit namin lahat ng kalat at sabay-sabay na din lumabas.



Akala ko kunggn dahil sinisiko ako ni Ashley kaya naman nilingon ko ito at ngumuso lang na parang tinuturo ang harap kaya lumingon ako sa nginunguso niya. Nagulat ako nang nakita ko si Viko na nag-aantay kay mabilis akong nagpaalam sa kanila at tumakbo papunta kay Viko. Narinig ko pang nagsana all sila pero hindi ko na iyon pinansin.




Ngiti kong sinalubong si Viko, "Di mo sinabi na susunduin mo ako, paano kung gabi pa kami natapos."

Sailing to Reach You (five senses series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon