Chapter 8

9 0 0
                                    

Boyfriend








"Hoy bruha, saan ka ba pumunta nung isang gabi? Sabi mo magc-cr ka lang pero hindi ka na bumalik." Inis na saad sa akin ni Ahsley.



"something happened lang sa bahay, tumawag si mama kaya di na ako nakapagpaalam sa inyo" palusot ko naman.

"Akala namin may kasama ka nang lalaki kaya 'di ka na bumalik." Pang-aasar naman ni Joanna.


"Taena ka, baka nakakalimutan mo jowa yang si Margaux." sabay batok ni Francis kay Joanna kaya ayo n umingay kami lalo habang papunta ng cafeteria .


"Nagjojoke nga lang diba?! Bakit ka nananakit?!" sigaw ni Joanna kaya naman pinagtinginan na kami ng mga nakakasalubong namin. Binilisan nalang namin nina Maui at Ashley ang paglalakad para maiwasan ang attention na nakukuha ng dalawa.



Nang makapasok sa cafeteria ay agad naming inilapag ang ating mga gamit sa lamesa at sabay-sabay na tumungo para bumili ng pagkain.



Hindi pa tumunog ang bell nang bumaba kami kaya nanan ay tahimik pa pero nang magring ito ay dumagsa ang mga tao at umingay na paunti-unti sa cafeteria. At dahil sanay na ay hindi ko nalang iyon pinansin at nagpatuloy sa pagkuha ng pagkain.



When I finished getting my food ay dumiretso na ako sa upuan namin, I was the first one too go back there kaya naunaa narin akong kumain at hindi na sila inantay dahil gutom na ako. But to my surprise, I saw the least person that I want to see. Agad akong yumuko at binilisan ang pagkain.



What is he doing here? And he is wearing a uniform, is he studying here?!



Napa-angat ulit ako ng tingin at napansin na he is wearing a marine uniform. Wait, he's a marine student?


May mga kasama din siyang lalaki at nagtatawanan sila pero mukhang may iniisip siyang iba dahil hindi nakikitawa. Hindi ko namalayan na kanina pa ako nakatitig sa kanya at napayuko nalang ulit bigla nang lumingon siya sa gawi ko.




Binilisan ko lalo ang pagkain at hindi na tinignan kung nakita niya ba ako. Nagulat nalang ako nang may humawak sa aking balikat,

"Marg," tawag ni Ashley, "Gulat na gulat ha, 'di ako multo beh"



"Ashley, ano... una na ako ha, kasi ano--- oo, ayon, may gagawin pala ako sa library. Pasabi nalang sa kanila ha." Sabay tayo ko at kinuha ang bag at coke in can na nasa lamesa.




Tinawag pa ako ni Ashley pero hindi na ako lumingon. Didiretso sana ako paungon library gaya nang sinabi ko kay Ashley pero may hawak pala akong inumin kaya sa garden nalang ako nagtungo. Konti lang ang tao sa garden kaya naman ay madali akong nakaupo sa isang bench.

Sailing to Reach You (five senses series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon