Malayang Taludturan.
Isinulat ni: Martina WritesMahal kita kahit ang sakit-sakit na.
Mahal kita pero hindi ko na kaya.
Mahal kita pero hanggang dito na lang talaga.
Mahal kita pero tama na...Naaalala mo pa ba?
Minahal kita, hindi ba?
Ikaw ang inuna ko sa lahat ng bagay sa mundo.
Binigay ko ang lahat ng meron ako sa 'yo.
Binigay ko ang durog-durog kong puso.
Kumapit ako at umasa na baka ikaw na ang makabubuo.
Pero wala, minahal kita pero dinurog mo ako lalo..Kaya ngayon malaya ka na..
Huwag ka nang umasa pa..
Hindi na rin ako magpapantasya..
Mahal kita pero ayoko na.'Yakapin natin ang salitang paalam...'
VOCÊ ESTÁ LENDO
Mga Tula ni Martina (Poem For Soul and Love)
PoesiaCompilation of my Tagalog Poems, mostly about God.