Gusto Kita Tapos Gusto Mo Siya

17 4 1
                                    

Malayang Taludturan

“Gusto kita tapos gusto mo siya.”
By: Martina Writes

Mangyayari pa kaya ang salitang kami?
Kung ang puso niya ay malikot at hindi mapirmi?
Parang gusto ko nang bumitaw, masakit na kasi.
Wala na yatang pag-asa, ganito na lang parati.

Ang saklap 'di ba? Grabe nakapanghihina.
Nandito naman ako pero parang hindi niya nakikita.
Ano pa bang dapat kong gawin para mapansin niya?

Hanggang dito na lang ba talaga?
Wala na ba talagang pag-asa?
Wala na bang pagpipilian kundi ang sumuko na?
Kasi gusto ko pa, patuloy akong umaasa..

Masakit na kailangan niya lang ako kapag wala na siyang pagpipilian.
Kailangan niya lang ako kapag halos wala na siyang maramdaman.

Haayy..
Ang sakit talagang mahulog sa tao na hindi ka kayang saluhin.
Pero ang masaklap ay umaasa ka hindi mo man aminin.

Bakit ba kasi sa dinami-rami ng tao sa mundo, doon pa talaga?

Doon pa sa taong may mahal nang iba...

Mga Tula ni Martina (Poem For Soul and Love) Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum