Napapagod ka na ba?

18 2 1
                                    

Isinulat ni Martina Writes
August 22, 2022
12:49AM

Napapagod ka na ba? Sukong-suko ka na rin ba? Gusto mo bang... buhay mo’y wakasan na? Kapatid, huwag kang mawawalan ng pag-asa. Maaari kang mapagod ngunit hindi iyon dahilan para sumuko ka.

Bagong Simula.”

Gaano kahirap para sa iyong mga labi,
Na umukit, kumurba ng matamis na ngiti?
Paano pasisiyahin ang iyong pusong namimighati,
Kung naubos ka na’t naputol iyong pisi?

Pisi ng pasensiya na matagal mong hinibla,
Ngunit dinaanan lamang ng punyal ni tadhana.
Hindi mo nakayanan na ito ay isalba,
Kaya ngayo’y naputol, wala nang natira pa..

Tuluyan na ngang nilamon’t ginapi ng mapait na kapalaran.
Hirap na pinagdaana’y hindi mailalarawan,
Masusukat, mabibilang o mapapantayan,
Naging kaawa-awa ka sa mata ng lipunan!

Kaya ngayon, kinain na ng dilim ang ‘yong gunita.
Wala ka nang makita kundi puro  masasama..
Naubusan ka na ng lakas at nasaid ang iyong tuwa..
Sikapin mo mang bumango’y paulit-ulit pa ring nadarapa..

Tila napalayo ka na sa mga kamay ng Lumikha.
Gusto mo nang sumuko’t mawalan ng hininga.
Ngunit hindi pa natatapos dito ang iyong karera,
Kaya kapatid, humayo ka’t abutin ang mga kamay Niya.

Ngumiti ka, may bukas pa, hindi ka nag-iisa.
Silayan natin nang sabay ang panibagong umaga.
Sa gabi nama’y pagmasdan sa kalangitan ang mga tala.
At ihanda ang mga sarili para sa bagong simula.

Mga Tula ni Martina (Poem For Soul and Love) Where stories live. Discover now