Bagong Karanasan

11 1 0
                                    

Gusto ko lang ibahagi ang aking karanasan. Bata pa lang ay namulat na ako sa Kristiyanismo. I am Born again Christian, by the way. I used to be a member or part of music ministry in our Church, but things happened, unti-unti akong napalayo sa Church, but my heart still belongs to Jesus. Napaisip ako, ilang taon na akong Christian pero hindi ako namumunga o lumalago sa pananampalataya. With that, I decided to find a new Church where in, my faith will bloom and bear. With the help of the Lord, dininig Niya ang panalangin ko na dalhin ako sa isang relihiyon na magiging daan para lumago ako bilang mananampalataya, later on, a friend invited me on their church. Pumayag naman ako although medyo nakakapanibago dahil Pentecostal sila, One God pa rin naman pero ipinagbabawal ang paggugupit ng buhok sa mga babae at pagsusuot ng pantalon, dapat ay below the knee dress at skirt lang, they are into modesty. At first, medyo na-culture shock pa ako kasi medyo hindi ako madalas magsuot ng ganoon that time, but nasanay naman agad. Ang isang beses na pag-attend ay nagtuloy-tuloy na dahil doon ko lang naranasan ang mga magagandang bagay na hindi ko naranasan sa unang Church na kinalakihan ko. At alam ko na hindi ako naligaw ng landas dahil God only answered my prayers. Dinala Niya ako sa lugar na iyon at masasabi ko na hindi aksidente kaya ako napunta roon.

Year 2015 yata ako nagstart doon na umattend. I got baptised again in Jesus name. Noong unang nabaptised kasi ako ay bata pa ako or hindi pa matured, hindi ko nga alam ang kahulugan ng baptism that time, eh. Akala ko lang uso or kailangan bilang member ng Church. But God is good so He enlightened me. Gumamit Siya ng mga instrumento para maunawaan ko ang mga importanteng bagay.

Sad to say, nitong nagpandemic ay narealized ko na hindi pa pala talaga ako ganoon ka-matured dahil ito ako ngayon, isang manunulat. At ngayong taon lang ay sumali ako sa mga matured collaboration. I started writing matured content at pinagsisihan ko agad iyon dahil mali pala bilang isang Kristiyano. Pero hindi na ako makaatras even I want to, ilang beses na akong nagtangka na magback out at hayaan na lang na masira ang pangalan ko pero sadyang malakas ang hatak ng kasalanan. Sa ngayon, plano ko na lang na tapusin ang mga collaboration na iyon tapos hindi na ako uulit HAHAHA.

I also want to share this work of mine. I wrote this way back year 2015.

Bagong Karanasan
Pagpasok ko pa lamang sa loob ng pintuan,
Ay hindi ko na maipaliwanag ang aking naramdaman
Mga mata ng tao sa akin ay nagsidapo
Sa hiya,ang nagawa ko na lamang ay yumuko
Pagdakaʼy ang iba sa kanila ay tumayo;
Lumapit sa akin at sabay tumango
At may ngiti sa mga labi, isa-
isa sila sa akin ay bumati
"Welcome" ang sa bibig nila ay namutawi
Gumanti ako ng bati at umupo sa tabi nila
At doon ay nagsimula na ang mahalagang "Programa"
Matagal ko nang ginagawa ito, ngunit sa iba at hindi rito
Kaya naman dito, ito ang aking unang pagdalo
Maya maya pa ang isa ay nagpa-awit
At kamay ng mga tao’y mga nakataas na, maging mga paslit
Ang iba sa tuwa ay pumapalakpak
Ang iba sa galak ay napapaindak

Natapos ang awitan at oras na upang makinig
Sa Magandang Balita na dala ng langit
Na ipinapasabi sa isang lalaki
Na tagapaglingkod Niya ngunit hindi Pari
Siya'y kagalang-galang sa kanyang kasuotan
May katandaan na ngunit matikas ang pangangatawan
At ang mukha niya ay may kakaiba ngunit maaliwalas
At ang buhok ay maayos at tila madulas
Siya ang namuno at sa amin ay nagpahayag,
Katotohanan at Kautusan ng dakilang Maykapal!
Ilang saglit pa kami ay kanyang pinatayo
Ngunit hindi sa tapat kung saan kami naupo
Kundi sa harap mismo ng banal na pulpito

Lahat ay tahimik, siya lang ang nagsasalita
Habang ang iba ay nagsisimula nang lumuha
Halu-halong emosyon ang aking naramdaman
Ito sa akin ay bagong karanasan
Pagpatak ng luha sa aming mga mata ay bumuhos
Ngunit damdamin kaya ay magulo o maayos?

Hindi ko maipaliwanag ako na lamang ay napaiyak
Habang ang iba ay tila nagwawala
at mga paa'y nangagsisipadyak na
Mga sumisigaw at tila nangagkikikisay pa
At sila ay nagsimulang magsalita sa iba't-ibang mga wika
Na sa lahat ang kahulugan ay ano nga kaya?
At sa mga oras na iyon sa akin ay nahayag
Tunay na kasama namin ang Panginoon na Tanyag
Ang Kanyang presensya sa amin ay lumukob
Habang ang mga tao sa lapag ay nakasubsob
Sumisigaw ng papuri, pasasalamat at pagdakila
Sa minamahal na Dakilang Lumikha!

Natapos ang iyakan at nagtapos sa Panalangin
Pagkuwa’y nagkamayan at ang iba ay nagyakapan

Ngayon lamang ako nakaranas ng ganito,
Ngayon lamang sa tanang buhay ko
Napakasarap pala na sa Diyos ay sumamba
Umawit, sumayaw at magbigay papuri sa Kanya

Iyong totoong Pagpupuri at pagluwalhati
Pagdakila at pasasalamat sa gawa Niyang mabuti.

Mga Tula ni Martina (Poem For Soul and Love) Onde histórias criam vida. Descubra agora