Liham Mula Sa Iniwan

19 3 0
                                    

“Liham mula sa iniwan.”
By: Martina Writes
PS: hindi 'to tula okiee? Isiningit ko lang dito.

Gusto natin ang isa't-isa pero hindi tayo puwede.

Hindi tayo puwede, pero 'yong dahilan, hindi mo sinabi..
Basta ka na lang lumayo, iniwan mo ang umaasa kong puso.

Handa naman akong maghintay kung binigyan mo lang sana ako ng pagkakataon.

Pagkakataon na patunayan ang sarili ko sa iyo.
Pagkakataon na mahalin kita kahit magkaibigan lang tayo.

Umasa ako, umasa ako na baka kapag lumayo ka ay malaman mo ang totoo..
Malaman mo na mahalaga pala ako sa iyo..
At higit sa lahat ay ang baka sakali, baka sakali.. Na mahal mo rin ako.

Mga Tula ni Martina (Poem For Soul and Love) Where stories live. Discover now