Until Our Paths Cross Again, My Engineer

6 1 0
                                    

Edited version ng isa sa mga tulang mababasa sa Until our paths cross, my Engineer.
Orihinal na isinulat ni Martina Writes

Ramdam ang pintig ng pulsong kasabay ng sa iyo.

Dama ang simoy ng hanging lumalaro sa buhok mo..

Sa ilalim ng milyong bituin, dama ka sa tabi ko.

Narinig ng buwan, isinisigaw ang pangalan mo.

Mga pusong sumasayaw sa saliw ng iisang ritmo.

Hawakan mo ang kamay ko, oo yakapin ako.

Huwag mong bibitawan, hanggang sa dulo, mahal ko.'

Ramdam ang pintig ng pulsong kasabay ng sa iyo.

Dama ang simoy ng hanging lumalaro sa buhok mo..

Sa ilalim ng milyong bituin, yakap ka sa bisig ko.

Narinig ng buwan, ibinulong ang 'ngalan mo.

Mga pusong sumasayaw sa saliw ng iisang ritmo.

Hawakan mo ang kamay ko, sanaʼy yakapin rin ako.

Sa isang iglap lang naglaho ka sa mga bisig ko

Sa imahinasyon na lamang ba mangyayari ang mga ito?

Mahal kita, hanggang sa muli nating pagkikita, aking inhinyero...

Mga Tula ni Martina (Poem For Soul and Love) Kde žijí příběhy. Začni objevovat