Dakilang Pagpapala

25 4 1
                                    

“Dakilang Pagpapala.”

Malayang Taludturan

By: Martina Writes

Sa bawat pagpatak ng luha, ang dala ay pagpapala.
Sa bawat matang namamaga, kapalit sa dibdib ay ginhawa.

Sa bawat pagtatangis o sa bawat paghihinagpis.
Sa lahat ng hirap at pagtitiis.
Sa luhang pumatak at bawat pasakit,
Ay pusong mahina at budhing malinis.

Kapayapaan at karahasan
Kalakasan at kahinaan
Kapunuan at kakulangan
Kaligayahan at kapighatian

Dahas at lakas
Tupa at ahas
Langit at lupa
Pag-ibig at sumpa

Ano man ang mangyari may Dios sa atin na magliligtas
Panghinaan man ngunit bibigyan Niya tayo ng lakas
Kapit lang para sa ating mga pangarap.
May plano ang Panginoon para sa magandang hinaharap..

Mga Tula ni Martina (Poem For Soul and Love) Where stories live. Discover now