Kaibigan

21 3 8
                                    

(Orihinal na likha ni Martina Writes)

Unang beses kitang nakausap sa social media,
Hindi pa ako palagay noon sa iyo at bahagyang nahihiya..
Akala ko ay babae ka dahil sa iyong pagiging kuwela..
Ngunit hindi ako makapaniwala nang malaman kong lalaki ka pala..

Ang pag-uusap natin ay naging madalas na nga.. 
At hindi naglaon ay naging kaibigan na kita..
Tinuring na rin na kapatid, tropa at pamilya..
Mabuti ka kasing tao at panay nakatawa..

Naging kasama at kahati sa lungkot at saya..
Karamay ka sa kahit na anong problema..
Pinapayuhan, tinutulungan at pinatatawa..
Isinasama sa panalangin na sana’y ‘lagi kang masaya..

Walang salita na makapapantay,
Ang tula man na ito sa iyo ay ialay.
Natatanging kaibigan, karamay, kaagapay,
Hinihiling ko sa Panginoon ang iyong tagumpay!

Mga Tula ni Martina (Poem For Soul and Love) Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz