(Orihinal na likha ni Martina Writes)
Isandal mo ang iyong ulo sa aking balikat
Kapatid, hayaang luha mo ay pumatak
Huwag pipigilan bagkus ay iyong hayaan
Na mabasa ng iyong luha ang aking kasuotanNais kong malaman mo na ako ay narito
Handa kang damayan sa bawat pagluha mo
Gusto kong ipabatid na ramdam ko ang bigat sa iyong puso
Malayo man ako ngunit tila malapit lang sa iyoMarahil ikaw ay naguguluhan,
Sa aking ibig ipagkahulugan..
Ngunit nais ko lang na iyong malaman
Na mahal kita, aking kapatid at kaibigan..Tahan na, oo, ikaw ay tumahan..
Luha sa mga mata mo’y ating punasan
Ngumiti at itaboy ang ano mang kalungkutan,
Simangot sa mukha mo’y iyo nang wakasan..
Aking kaibigan, hayaan mong ikaw ay tulungan,
Poot sa puso’y iyo nang talikdan, Bumangon ka’t kamay ko ay hawakan..
YOU ARE READING
Mga Tula ni Martina (Poem For Soul and Love)
PoetryCompilation of my Tagalog Poems, mostly about God.