Magulang

6 1 0
                                    

Pusong kay bigat, at tuhod na nanghihina
Mga matang namumugto, dahilan nang pagluha
Mga kulubot sa balat at paninging pumaparam na
Nadaragdagan ang edad, ngunit ang pandinig ay humihina

Siya ay magulang, mapagmahal, mapag-aruga
Ngunit sa kaniya ngayon ay walang kumakalinga
Pamilya na inaasahang sa kaniya ay mag-aalalaga,
Mga anak na magsusukli ng kabutihan sa kaniyang pagtanda

Nasaan na sila? Bakit mga magulang ay tinalikuran nila?
Iniwan sa munti at madilim na dampa
Kahit sakitin na at ang mga buto ay mahina,
Araw-araw itong nakatanaw sa daang payapa,
Hinihintay ang pagdalaw ng mga anak na alibugha

Inalagaan, ginabayan ngunit bakit ang isinukli ay pang-iiwan?
Hindi mo ba tanda ang iyong kamusmusan?
Pinaghele ka nila at mga brasoʼy nagsilbi mong unan
Inalagaan ka na kahit ikaw pa lang ay nasa sinapupunan

Kaya sana naman, bilang ganti sa kanilang kabutihan
Mahalin mo sila, alagaan at pakaingatan
Dahil ikaw lang ang aasahan nila sa kanilang katandaan...

The fifth commandment says, “Honor your father and your mother, that your days may be long in the land that the Lord your God is giving you” (Exodus 20:12)

Mga Tula ni Martina (Poem For Soul and Love) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant