Hanggang Sa Muli Nating Pagkikita, Aking Inhinyero

3 0 0
                                    

Warning: Unedited po ito.

Isa pang malayang tula na mababasa sa aking nobela na may pamagat na: Until our paths cross again, my Engineer.

Mahal tanda mo pa ba, iyong iniwan mong liham?
Naaalala pa ba, pangakong hindi ako iiwan?
Sabi mo pa nga noon, ay ikaw lang at ako.
Nakapagtataka lang dahil ngayo'y kamay na niya ang hawak mo.
Kakaiba nga ang ngiti mo. Oo, nakita ko kayo.
Masaya ka kaya? Hindi ko makita sa mga mata mo.
Mahal limot mo na ba? Kailangan ko pa bang ipaalala?
Pangako natin sa isa't-isa, bakit tila nawalang parang bula?

Pangakong pinanghawakan ko, ngunit bakit pinako mo?
Nagmahal lang naman ako ngunit bakit nagkaganito?
Umasa lang pala ako, na tayo hanggang dulo.
Umasa lang pala ako't ngayo'y nasasaktan ng todo.

Mahal kita maging bukas, sa isang taon, oo, mula pa man noon.
Nangakong magsasama kahit ano man ang okasyon.
Musmos pa ng mangakong magmamahalan habang panahon.
Milyang pagitan man sa isa't-isa'y isang milyon.
Ngunit mahal ko saan ka man naroroon,
Sa lugar kung saan unang nagkita'y paroroon.
Umaasang makikita ka kaya maghihintay doon.

Pangakong sabay tutuparin, pakiusap ako'y iyong dinggin.
Bukas, sa isang taon, maging sa habang panahon.
Paghinga man ay huminto, lumamig man aking puso.
Pangakong sa'yo, oo tanging sa'yo lang titibok ito.

Hindi ka man nagparamdam, buhat ng ako'y 'yong iwan.
Araw-araw ay maghihintay pa rin, na ako manlang ay 'yong tawagan,

Teleponong tila hindi na gumagana pa.
Tinta at luhang tila natuyo na.
Liham mong nilamon na ng lupa.
Ikaw at akong naglaho nang parang bula.
Mananatili na lang sa ala-ala.
Mga ala-alang mauulit pa kaya?

Pagdaloy ng oras sa akin ay tila huminto na;
Sa panahong mayroong ikaw at ako pa.
Ngunit patuloy pa din ang pag-ikot ng mundo.
Kasama ng mga pangakong habang-buhay ay may TAYO.

Maubusan man ng lakas na maghintay sa'yo. Ngunit ang isinisigaw nitong puso ko?
Ikaw oo ikaw lang at ikaw, magpakailanman.
Maglaho man ang salitang sati'y walang hanggan.

Nararamdaman mo para sa aki' y ganoon pa din kaya?
Tibok ng puso mo'y para sa akin pa ba?
Sana tulad pa rin ng dati na nandiyan ka lamang 'lagi.
Tulad ng dati na' pag kailanga'y nariyan lang sa tabi.

Ngunit ano pa man ang iyong dahilan, ay hindi pa rin matutumbasan.
Pag-ibig ko sa 'yong walang hanggan;
Noon, bukas at magpakailanman.

Oo, ako man ay nasasaktan.
Kahit patuloy man akong mahirapan.
Paulit-ulit mo mang palitan.
Masayang man ang libong pangakong walang iwanan.
Iba' t-ibang kamay man ang iyong hawakan.
Hindi pa rin maiiwasan;
Pagtibok nitong puso kong sadyang hanggang magpasawalang hanggan.

Nangakong ang puso mo sa akin ay iyong iniwan.
Ganoon din naman, ako ay tumugon sa una't huli mong liham.
Na ang puso ko'y para lang din sa'yo, pangako mahal ko.
Bumalik ka na pakiusap, inhinyero ko, giliw ko.
Nangungulila na ang pusong sinaktan mo nang todo.
Na kahit nagmahal ng totoo, winasak mo't pinagbato.

Tula para sayo, aking inhinyero.

Mga Tula ni Martina (Poem For Soul and Love) Where stories live. Discover now