Sa mundong ayaw na sanang magmahal pa
Bigla kang dumating at nakilala
Ayaw na sanang payagan ang sarili
Ngunit puso ay pilit kang pinipiliAyoko na sanang maramdaman ulit
Ang kahapon, ang kilig, maging ang pait
Kaya kung wala ka namang balak na saluhin
Puso ko ay wag mo na lamang guluhinMatagal nang kinalimutan
Nitong puso ko na magmahal
Kaya limot na rin nito
Kung paano ang salitang pagsukoNgayon ay natatakot sa kahahantungan
Nitong aking nararamdaman
Puso kong nananahimik
Nang makilala ka'y nalagay sa bingit
YOU ARE READING
Mga Tula ni Martina (Poem For Soul and Love)
PoetryCompilation of my Tagalog Poems, mostly about God.