30

31 1 0
                                    

Gwyneth's P.O.V

"Good morning!" Masigla kong bati kay Ashton na mukhang busy sa pagkalikot sa telepono niya. Umagang-umaga at nakaharap na agad ito sa screen ng phone niya. Masyado din atang maaga ang dating ng mga estudyante dito sa kantina ng school dahil hindi pa ganoong kaliwanag sa labas at masyado pang malamig ang klima. I guess mga around  10 or 12 degrees ang temperatura ngayon. Tataas din naman siguro yan ng 19 or 20 mamayang hapon pero grabe ang ginaw ngayon umaga.

"Morning," Tipid na sagot nito. He looks unbothered by the cold.

"Grabe ang lamig ngayon 'no?" I shivered as I tried to snuggle further into my thick hoodie. Ugh, bakit ko ba kasi naisip pumasok nang ganito kaaga samantalang paniguradong late dadating si Hera at Cyrus.

"Yeah, It sure is colder than usual," Tango ni Ashton.

"Paakap naman," I whispered to myself mischievously. I never intend for anyone to hear it, but then Ashton did and maybe this guard who was passing by also did because I heard him snickered as he turned to me.

'Badtrip, napalakas yun ah,'

"What?" Nakakunot na tanong ni Ashton. Nanlaki ang aking mga mata at pautal-utal na sumagot.

"A-ah! Wala. Wala..." Bumilis ang tibok ng aking puso at ramdam ko ang pag-init ng aking mukha sa kahihiyan. Hindi na kami nagkibuan. Probably because I was too embarassed by what I just said. At dahil wala ako sa mood magdaldal, nanatili na lamang akong tahimik. I yawned and crossed my arms together, trying to save some body heat due to the cold morning breeze. I leaned further into my seat and tapped my left foot while waiting for whatever is coming.

'Kagigising lang siguro ni Cyrus. At baka hanggang ngayon eh humihilik pa si Hera sa kama niya,' Scam talaga iyang si Cy. Maaga daw training nila kaya kako makikinood muna ako para sabay na kaming pumasok sa first class namin. Kaya nga ako pumasok ng 6 a.m. kasi aside sa iniiwasan ko ang traffic mamaya, makikikopya pa sana ako ng assignment. Hanggang ngayon wala pang update ang loko kung nasa gym na ba sila or something.

Itetext ko sana si Cyrus nang magsalita si Ashton.

"What? No chika today?" He asked without looking at him, eyes still glued on his phone.

'Marites na din ba itong si Ashton? Nakakaloka, hindi ako informed!' I knew Cecilio was that much of a 'marites' minsan pero ang marinig ko ito kay Abo, shocking.

"Hoy! Maka-chika ka naman! Chismoso!" Hagikgik ko.

"May chismis ka kasi laging bungad sa'kin, but you're... unusually quiet. Something bothering you?" So, napansin niya pala.

"Wala naman..." Was my reply. Silence once again covered us. Hindi ko alam kung pwede ko ba sabihin itong naiisip ko, but he did assure me before that I can asked for some help if I ever need it. Advice lang naman galing sa kanya.

'Would it really be okay for me to seek out for an advice? ' Hindi ko naman ikukwento ang talambuhay ko, just the parts I need somebody else's input.

"Have you ever... felt like your feelings are... invalid? " Biglang lumabas ang mga salitang iyon sa labi ko. He looked at me before speaking.

"...Why'd you ask? " He asked, suspicious.

"Random thought. Feeling ko lang minsan ganon. Pero baka nga feeling ko lang," Sumimangot ako nang maalala ko yung isa sa mga naging alitan namin ni Mama nitong nakaraang araw. Ang hirap niyang i-please, ang hirap kuhanin yung good mood niya.

"Care to share what made you thought of that randomly? " Inantay niya akong sumagot. It took me a while to answer, thinking of my choice of words carefully before speaking my mind free. Thankfully, he was patient enough to let me gather my thoughts.

Araw-Araw (Playlist Series 1) (On hold)Where stories live. Discover now