12

56 3 1
                                    

Gwyneth's P.O.V

"Aboooo!" Masaya kong bati sa kanya habang nakaupo lang siya sa upuan niya. Bahagya akong napasimangot nang hindi niya ako pansinin at nakatutok lang sa cellphone niya. Hindi niya pa rin ako tinignan kahit na naupo pa ako sa harapan niya. Kasalukuyan kaming nandito sa main canteen ng UC. Maraming tao ngayon na nakatambay lang dito dahil maaga-aga na naman ang mga dismissal. Medyo umiinit ngayong araw kaya naman hindi balot na balot ang mga tao ngayon.

'Busy na naman ah,' He was most likely scrolling through his news feed. I leaned forward para silipin sana kung ano pa yung tinitignan niya sa phone niya. Nang nakaramdam siya ay napatingin siya sa'kin sabay layo ng phone niya. Napangiti ako na parang bata sa kanya samantalang nakabusangot na naman siya na akala mo inagawan ko ng candy. Pft.

"Hola!" Masigla kong bati ulit. Napairap siya saglip bago ibinaling muli ang atensyon sa phone niya.

"What?" He muttered and returned to scrolling through his phone.

'Why the frown, bby?' Pinagmasdan ko lang siya. As usual, casual at simple na naman ang get up niya with some hoodie on. Sa mga nakaraang linggo, halos makabisado ko na kung ano ba ang taste ni Ashton when it comes to fashion. Napapansin kong hindi siya mapili yet at the same time, he can pull off just anything 'pag siya ang nag-susuot.

"Wala lang. Mangangamusta lang," Nag-kibit balikat lang akong sinagot siya. Hindi na siya umimik pa at nag-busibusyhan sa phone niya.

'Sungit,' Wala na naman ang mga kasama niya. Hindi na naman nakabuntot yung maingay niyang mag-jowa kung mag-away na friends at yung parang kabute na isa.

"Thank you nga pala sa pag-accompany mo sa'kin noong nakaraan. Hindi na kita na pasalamatan ng maayos," Sabi ko. Hindi ko pa nga pala siya napapasalamatan ng maayos dahil nag-tatagu-taguan kami ng lokong 'to noong mga nakaraang araw.

"Pinangungunahan kasi ng panggugulo mo," Sambit niya. Medyo nasamid ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi niya.

'Ay taray, may hinanakit ka vro?'

"Oo na, ako na magulo," I let out a 'hmp' sound before frowning. Hindi ko naman siya ginugulo ng sobra sa pag-kakaalam ko. Or baka naman medyo over na minsan yung pangangamusta ko sa kanya?

"At least you know," Tango niya. Natahimik kami ng mga ilang minuto bago ko naalala yung nakita ko sa facebook. Paniguradong hulog 'to.

"Hey, have you heard nga pala?" Tanong ko sa kanya. Pinigilan ko na matawa. Nag-pause siya sa ginagawa niya bago tumingin sa'kin.

"Chismis na naman?" He had this bored look on his face. Pigil na pigil ako na tumayo, mag-over the table at pisilin ang pisngi niya.

'Ang kyut nakakainis!'

"Not really. It's about the matter baby daw?" Napataas siya ng isang kilay. Ayos, 'di niya pa alam kung ano yung sinasabi ko. Hindi pa siguro ito nakikita ni Cecilio kaya 'di pa niya naseshare sa facebook kaya 'di alam ni Ashton.

"What's 'the matter baby'?" Tanong niya, confusion written in his eyes. Ramdam ko ang pamumula ng mukha.

'Scoreee!!!' Lumawak ang ngiti ko at napatakip ng bibig para mapigilan ko yung tawa na nag-babadyang lumabas sa bunganga ko.

"Hahahaha! Omggggg!" Kinikilig kong wika. I held my head back, laughing like a little kid. After a few seconds, realization dawned on his face. Kitang-kita ko kung paano niya unti-unting narealize na pick up line pala iyong tinutukoy ko.

"What's?--- Is that a pick up line?" He asked, eyebrows furrowed. He looked baffled at what I just said. Medyo pinagtitinginan na kami ng ibang mga kalapit na tables pero deadma lang kami.

Araw-Araw (Playlist Series 1) (On hold)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin