14

49 3 0
                                    

Gwyneth's P.O.V

"Finally, she arrived! Hahaha! Girl of the hour!" Salubong ni Hera sa'kin as soon as I entered Spade. Ito na naman kami, another night of craziness. Hinatak lang ako ni Hera papunta sa hagdanan, which I pressumed is the way to V.I.P section. Ang galing talaga mag-dahilan ni Hera kaya nakapuslit ako ng walang V.I.P verification. Nang marating namin ang taas, marami pa ring tao pero hindi kasing siksikan nang tulad sa baba. Tumungo kami sa table namin, and there I found our group with fresh faces I have never seen before.

"Guys! Si Gwyneth nga pala! Sis, si Miko at Bruce, magjowabels yang mga hinayupak na yan," Naunang turo ni Hera sa dalawang lalaking magkatabi. The first guy, I assume na si Bruce, ay nakapulupot ang mga braso sa guy na inassume ko na naman si Miko base sa pag-turo sa kanila ni Hera.

'Shocks ang gwapo nilaaaa,' I just arrived and not even 5 minutes, grabe na yung init na naeexperience ko dahil sa sobrang matao ng lugar. Maingay, magulo at mainit. Maririnig mo ang hiyawan ng aga tao sa baba. Spade ang club na aming napiling puntahan dito sa Crown Legacy hotel, medyo malapit sa bahay. Wala namang ganap, nagkaayaan lang yung ilan naming kablock tapos in the end ako, Hera at Cyrus lang pala sa block namin ang pupunta. Panay ibang course at ibang school na ata 'tong mga kasama namin. Buti na lang ay kakilala sila ni Hera.

"Nice to meet you!" Nahihiyang kaway ko sa kanila. Ang cute nila tignan.

'Sana ol cute!' Sa unang tingin pa lang, maski langgam maiinggit.

"Hi!" They responded, sweet smiles evident on their faces. Sumunod naman akong pinakilala ni Hera sa tatlo pang nasa upuan.

"Si Jaypee," The guy, who's name was Jaypee, offered his hand for a formal shake. Nginitian niya ako and I smiled back at him awkwardly. He looks like a nice guy, yung mga club type pero alam mong hindi basag ulo.

"Lyka," The girl only nodded at me and smiled slightly as she took a sip of her drink. Lyka had this vibes na parang masungit lalo na yung mga mata niya, but I cannot judge her since ngayon ko pa lang naman siya nakilala.

"And Reese," Samantalang si Reese naman, halata mong party girl with just how she looks comfortable in her seat. Reese smiled at me and gave a small wave which made me wave back. Grabe, compared to them, nag-mumukha akong patatas.

'Asan na pala si asungot?' Hinanap ng mata ko ang isa ko pang kaibigan hanggang sa nag-landing iyon sa isang lalaking bigla na lang napaiwas ng tingin sa'kin. Sa isang sulok nakaupo si Cyrus na nakagrey sweatshirt pa at ripped jeans, at mukhang nag-kukunwaring walang pakialam na dumating na ako. Tinuro ako ni Hera na maupo sa pagitan ni Jaypee at Cyrus kung saan may available space. Tinignan ko si Cyrus pero hindi niya lang ako pinansin dahil nagbubusy-busyhan siya sa phone niya.

'Letche 'to lamunin na niya yang phone niya,' I just let out a snort at hindi na rin pinansin ang asungot na katabi ko.

"Hi Gwyneth! Right?" Rinig kong malakas na pagbati ni Jaypee as he turned to me. Tumango na lang ako at ngumiti ng bahagya. Napatingin ako sa mesa namin. Puno na rin yung mesa ng mga cocktails and some beers.

'I'm an hour late lang pero akala mo they've started drinking kanina pang umaga ah,'

"Oh so ano na? Now that Hera's friend is here, arat na ulit sa baba?" Tanong sa'min ni Reese na napacross pa ng legs, nag-aantay kunh what's next. Nahiya ako bigla sa itsura ko. Naka-cropped denim jacket ako and under it is a maroon na silk cowl neck top na pinares sa black na highwaisted pants. Sina Reese, Jaypee, Miko at Bruce akala mo pinunit sa 'true beauty' na comics, they indeed stand out.

"The night's still young, guys. 'Wag mag-madali. Besides, ang hirap makipagsisikan sa baba at punoan ng mga tao," Tawa ni Bruce sabay akbay kay Miko na umirap naman. Pinagmamasdan ko lang silang lahat.

Araw-Araw (Playlist Series 1) (On hold)On viuen les histories. Descobreix ara